Social media sensation Kath Mesina, sinabing chinat din siya ni King Badger

Social media sensation Kath Mesina, sinabing chinat din siya ni King Badger

- Inamin ng social media sensation na si Kath Mesina na chinat din umano siya ni Jon Gutierrez o mas kilala bilang si King Badger

- Ayon kay Kath, agad niya itong isinumbong kay Jelai Andres, asawa ni Badger, at ipinost din ang kanilang conversation

- Hinikayat din nito ang mga kababaihan na huwag pumayag na maging other woman at magtulungan sa ganitong pagkakataon

- Nakilala si Kath dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na posts sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng social media sensation na si Kath Mesina na chinat din umano siya ni Jon Gutierrez o mas kilala bilang si King Badger.

Ito ay sa gitna ng mainit na isyu sa pagitan nito at ng asawang si Jelai Andres dahil umano sa pambababae muli ni Jon.

Read also

Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian

Ayon kay Kath, agad niyang isinumbong kay Jelai ang ginawa ng asawa nito at ibinahagi rin ang kanilang conversation.

Social media sensation Kath Mesina, sinabing chinat din siya ni King Badger
Photo: Kath Mesina (@_ohitskathmesina)
Source: Twitter

"Chinat din ako ni badger sa snapchat dati nung niloko nya si jelai at kalat na issue non kasi may kantang walang gana na non eh pero di ako pumayag maging kabit, nagsumbong agad ako kay jelai haha! skl," ayon sa tweet nito noong April 2.

"Eto ibang convo namin ni ate jelai.. last pic tignan niyo hahaha i’m a fan at galit talaga ko sa manloloko lalo sa mga babaeng mahilig kumabit," sabi pa ng dalaga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hinikayat din nito ang mga kababaihan na huwag pumayag na maging kabit at magtulungan sa ganitong pagkakataon.

"Matagal na rin pero eto kasi yung time na winiwinback na nya si jelai, pero ayun never ako papayag maging kabit, kahit sino sainyo, kapag may taken na lumandi.. magsumbong agad kayo, tayo tayo nlg magtulungan girls pls! wag niyo na antayin na mahuli pa kayo, wag na simulan."

Read also

Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa kanyang Facebook account, napa-wish kay Kupido ang kapatid ni Jelai na si Candy na sana ay "right man" na ang panain nito para sa kapatid, sa gitna ng isyung kinakaharap ng dalawa.

Si Kath Mesina ay isang Filipino Model, Lifestyle Blogger, YouTube Content Maker, Tiktok Star, at Social Media Sensation. Nakilala ito dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na posts sa social media.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel