Lola na inabot ng pagdarasal sa footbridge, hinangaan ng marami
- Viral ngayon ang isang post tungkol sa lola na inabot na ng pagdarasal sa footbridge
- Dahil sa sarado ang mga simbahan, kahit sa daan ay naisip pa ring magdasal at magpasalamat ng lola
- Ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, pinaaalalang huwag na munang magkaroon ng mga pagtitipon kahit pa ito'y pangrelihiyon
- Gayunpaman, may ilang hindi pa rin patinag sa kanilang pananampalataya at patuloy na lamang na nagdarasal wala man sa simbahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang lola na inabot ng pagdarasal sa isang footbridge.
Ibinahagi ni Rix The Seminarian ang larawan ng lola na kanya raw nadaanan na nagdarasal sa maliit na "Mahal na Birhen ng Piat."
Dahil daw sa karamihan ng simbahan ay sarado ngayong mahigpit na ipinagbabawal ang malaking pagtitipon maging ang mga gawaing pang-relihiyon, nakuha na lamang magdasal ng lola kahit nasa daanan.
"Kahit sa lansangan ay hindi naging hadlang kay nanay na magdasal at magpasalamat. Mabuhay ka po, Nanay."
Kaya naman labis na humanga si Rix sa lola na hindi nagpatinag sa dami ng mga ipinagbabawal na gawin at puntahan bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.
Maging ang mga netizens ay na-inspire sa larawan ng lola na nagsilbing paalala sa kanila na nararapat lamang na magdasal sa anumang pagkakataon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"Tama po yan lola, kahit maraming simbahan ang sarado, kahit saan po pwede tayong manalangin"
"Magandang ehemplo si Lola, mapa-bata man o matanda, dapat lamang na matuto tayong manalangin, saanman at anumang pagkakataon"
"Thank you lola for reminding us na pwede magdasal anywhere po. Importante, naalala natin ang pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap natin gaano man kahirap ng hinaharap nating sitwasyon"
"Ito'y patunay lamang na kaya nating magdasal kahit saan. Ang mahalaga ay ung hangarin ng puso mo sa pakikipag-ugnayan kay Lord,regardless the time and place"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa patuloy na pagtaas ng bilang nga mga naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 araw-araw, isa sa mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang malakihang pagtitipon kasama na rito ang pagdami ng mga pupumunta sa mga simabahan.
Pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan.
Kasalukuyan ding tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at ilang karatig bayan nito kung saan ipinatutupad ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh