Gerald Anderson, itinuturing nang bahagi ng pamilya ni Julia Barretto

Gerald Anderson, itinuturing nang bahagi ng pamilya ni Julia Barretto

- Nagbahagi ng isang litrato si Dani Barretto sa kanyang social media account na kanyang inilarawan bilang "Mi Familia"

- Makikita sa nasabing litrato na kasama niya ang kanyang mga kapatid, ang asawa, ang kanyang ina at si Gerald Anderson

- Kapansin-pansin din na limitado lamang ang maaring magkomento sa nasabing post niya

- Matatandaang umani ng matinding pambabatikos sina Gerald at Julia Barretto simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Dani Barretto ang isang litrato kung saan kasama niya ang mga kapatid na sina Claudia, Julia at Leon Barretto.

Kasama din ang asawa niyang si Xavi Panlilio, ang inang si Marjorie Barretto at ang kasintahan ni Julia na si Gerald Anderson.

Dani Barretto, ibinahagi ang litrato na tinawag niyang "Mi Familia"
Dani Barretto posing for the camera during her trip in Balesin Island. Photo from Dani Barretto (@danibarretto)
Source: Instagram

Inilarawan niya ang nasabing litrato na kuha sa tabing dagat bilang kanyang "Familia". Kapansin-pansin din na limitado lamang ang taong maaring makapagbahagi ng kanilang komento sa nasabing litrato.

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang umani ng matinding pambabatikos sina Gerald at Julia Barretto simula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon. Ito ay dahil sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson noon.

Idinadawit si Julia bilang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkasintahan na dati nang pinabulaanan ni Julia at naglabas pa ng kanyang open letter para kay Bea.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger.

Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Kasunod ng pagiging kontrobersiyal ng kapatid na si Julia Barretto dahil sa pagsasapubliko nito sa relasyon nila ni Gerald Anderson, sinabi ni Dani sa kanyang birthday greeting kay Julia na nakikita niyang masaya ito sa kasalukuyan.

Ibinahagi din ni Dani ang tungkol sa kanyang weight loss journey kamakailan na talaga namang naging usap-usapan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel