Pulis na naparangalan sa pagtulong sa buntis, arestado sa kasong extortion
- Arestado si Police Major Orlyn Leyte at apat pang mga police officer sa kasong robbery at extortion
- Ito ay matapos isagawa ang umano'y entrapment operation sa Zamboanga City, Zamboanga Del Sur
- Sinasabing tumanggap ito ng Php90,000 kapalit ng pagtatanggal ng pangalan ng isang negosyante sa umano'y nasasangkot sa ilegal na droga
- Matatandaang si Major Leyte ang pinarangalan kamakailan dahil sa pagtulong niya si isang buntis na biglaang napaanak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Arestado si Police Major Orlyn Leyte , Officer in-Charge ng Police Station 9, Zamboanga City Police Station at iba pang mga kasama nitong police officer sa isinagawang entrapment operations ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Nalaman ng KAMI na bandang 6:45 p.m. ng Marso 22 naaresto sina Leyte at sina PSSg Hegenio Salvador, PSSg Asser Abdulkadim, PCpl Ismael Sasapan, at PCpl Juman Arabani.
Ayon sa Inquirer, naka-duty sina Leyte nang maaresto at mahaharap sa kasong robbery and extortion.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa ulat ng Philippine News Agency, sinasabing tumanggap ng halagang Php90,000 sina Leyte mula sa isang businesswoman bilang umano'y pagkakadawit nito sa mga gawaing may kaugnayan sa ilegal na droga.
Bukod sa mga nabanggit na kaso inihahanda na rin ang karagdagang kaso tulad ng Violation of RA 3019 Anti Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 Code of Conduct, gayundin ang Ethical Standard for Public Official and Employees.
Ayon pa sa post ng Philippine National Police, na-recover ang marked money na tunay na Php2,000 gayundin ang 88 piraso na boodle money.
Kasalukuyan na silang nasa kostudiya ng Zamboanga City Police Office.
Matatandaang nito lamang Pebrero, hinangaan pa si Leyte sa pagtulong niya sa isang buntis na biglaan na lamang napaanak.
Noong Marso 9 lamang, binigyang parangal pa si Leyte dahil sa "heroic act" niyang ito na nagsalba sa buhay ng babae at kanyang isinilang na sanggol.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa rin sa mga pinakatutukang kaso ngayon kung saan sangkot ang isang pulis ay ang pamamaslang ni Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pag-usad ng kaso habang unti-unti nang bumabangon muli ang naiwang pamilya ng mga biktima.
Hangad na lamang nila na makamit ang hustisya sa karumal-dumal na pagkamatay ng mag-ina.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh