Ogie Diaz, pinabulaanan ang balitang mapapanood na sa TV5 ang "It's Showtime"

Ogie Diaz, pinabulaanan ang balitang mapapanood na sa TV5 ang "It's Showtime"

- Matapos magpalabas ng mga replay episode ang noontime show na "It's Showtime," maraming espikulasyon ang lumabas

- May mga bali-balitang lilipat ng studio ang noontime show at sinasabing sa bagong studio ng ABS-CBN sila lilipat

- Samantala, nilinaw ni Vice Ganda na ang dahilan kung bakit replay ang pinapalabas sa kasalukuyan ay dahil nais ng pamunuan ng estasyon na iwasan muna ang pag-te-taping dahil sa tumaas na kaso ng COVID-19

- Para naman kay Ogie Diaz, hindi totoong mapapanood na rin sa TV5 ang It's Showtime dahil patuloy pa rin ang pag-ere ng Lunch Out Loud

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang pinakabagong episode ng Showbiz Updates, napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi ang lumabas na balitang mapapanood na rin ang It's Showtime sa TV5 kagaya na lamang ng ibang mga palabas ng Kapamilya Network.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN

Ogie Diaz, pinabulaanan ang balitang mapapanood na sa TV5 ang "It's Showtime"
Ogie Diaz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para kay Ogie Diaz, mukhang hindi totoong mapapanood sa TV5 ang nasabing noontime show sa kasalukuyan dahil aktibo pa naman ang Lunch Out Loud na umi-ere sa TV5.

Hindi naman umano maaring dalawa ang noontime show na ipalabas sa nasabing estasyon.

Nauna nang lumabas ang espikulasyon tungkl dito matapos mag-ere ng mga replay episode ang noontime show. May mga nagsasabing lilipat kasi ito ng studio at ang iba naman ay naniniwalang abala ang staff para sa paghahanda nito para lumabas na rin sa TV5.

Gayunpaman, nilinaw ni Vice Ganda na ang dahilan kung bakit replay ang pinapalabas sa kasalukuyan ay dahil nais ng pamunuan ng estasyon na iwasan muna ang pag-te-taping dahil sa tumaas na kaso ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel