Babaeng nagtanggal ng face mask at shield para mag-selfie, pinaghahanap na ng MRT

Babaeng nagtanggal ng face mask at shield para mag-selfie, pinaghahanap na ng MRT

- Isang pasahero ng MRT ang bigla na lamang nagtanggal ng face mask at face shield para lang mag-selfie

- Nakunan ng video ng kapwa niya pasahero ang insidente at sinita pa umano siya nito

- Matapos ang pagkuha ng larawan sa sarili, agad ding ibinalik ng babae ang kanyang face mask at face shield

- Nakarating na sa pamunuan ng MRT ang insidente at kasalukuyan nang pinaghahanap ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video na ibinahagi ng netizen na si Jonalyn Caaadan kung saan makikita ang kapwa niya pasahero noon sa MRT na nagtanggal ng face mask at face shield sa loob ng tren.

Nalaman ng KAMI na kaya nagtanggal ng face mask at shield ang babae ay para lamang umano mag-selfie.

Mapapansin din sa video na tinangka ni Jonalyn na sawayin ang babae at pinakiusapan niya itong ibalik ang mask at shield at pinaliwanag na labis na delikado ang panandalian niyang pagtatanggal nito sa loob ng tren.

Read also

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

Babaeng nagtanggal ng face mask at shield para mag-selfie, pinaghahanap na ng MRT
Photo from Jonalyn Caaadan
Source: Facebook

Hindi nakinig ang babae kay Jonalyn. Ngunit matapos niyang kunan ng larawan ang sarili, saka lamang niya ibinalik ang kanyang face mask at face shield.

Ayon sa panayam ng GMA News sa pamunuan ng MRT-3, pinaghahanap na umano nila ang babae na maaring masampahan ng kaukulang reklamo.

Mahigpit kasing pinatutupad sa loob ng tren ang pagsunod sa mga safety protocols tulad ng palagiang pagsuot ng face mask at face shield.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang pahayag ng MRT:

"Thus we redeem the passenger's not only reckless and insensitive but also posed a possible threat to the health of her fellow passengers. We condemn such wanton disregard on these health and safety measures."
"We now ask the public's assistance for information to identify the woman on the video, for investigation and filing of appropriate charges due to violations of the public health and safety protocols"

Read also

6-anyos na may COVID-19, mag-isang sinundo ng ambulansya para dalhin sa ospital

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nasangkot ang MRT sa isa ring video ng kanilang cleaning staff kung saan 'di maayos umano ang pagdi-disinfect nito ng mga tren pagkalabas ng mga pasahero.

Unang sumailalim sa disciplinary action ang mga cleaning staff na kalauna'y nasibak din sa trabaho dahil umano sa kapabayaan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapaalala sa publiko ng ibayong pag-iingat at patuloy na pagsunod sa mga health protocols lalo na at ilang araw nang halos hindi bumababa sa 7,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica