Rob Moya, inaming siya ang kumuha ng picture ng conversation nina Toni at Vince

Rob Moya, inaming siya ang kumuha ng picture ng conversation nina Toni at Vince

- Matapos mag-viral ang mga lumabas na litrato ng convo nina Toni Fowler at Vince, agad na gumawa ng live video si Toni Fowler

- Pinansin nito ang reflection ng taong kumuha ng mga litrato at aniya ay halata naman kung sino iyon

- Inamin naman ni Rob Moya na siya nga ang kumuha ng mga nasabing litrato na ngayon ay kumakalat sa social media

- Gayunpaman, pinabulaanan ni Rob na siya ang nag-upload niyon sa Facebook gamit ang isang dummy account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos muling mabatikos dahil sa lumabas na mga litrato na ibinahagi ng isang dummy account sa Facebook, binasag ni Rob Moya ang kanyang pananahimik.

Inamin niyang siya nga ang kumuha ng nasabing mga litrato kagaya sa sinasabi ng karamihan at maging ni Toni Fowler base sa reflection nito sa screen ng computer.

Read also

Toni Fowler, nilinaw ang tungkol sa nilabas na convo umano nila ni Vince

Rob Moya, inamin na siya ang kumuha ng picture ng conversation nina Toni Fowler at Vince
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, January pa umano niya ito kinuhanan ng litrato at noong mga panahong iyon ay gulong-gulo umano ang utak niya.

Dahil sa kanyang nabasa ay nasaktan umano siya kaya naipadala niya ang mga litratong iyon sa mga kaibigan niya para humingi ng payo.

Hindi umano niya inasahang lalabas ang mga iyon sa publiko dahil ayaw niya umanong mangyari iyon at gusto niya parin daw protektahan sina Toni Fowler at anak nitong si Tyronia.

Pakiusap ni Rob, sana daw ay matigil na ang isyu dahil maging siya ay naapektuhan na rin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Read also

Alex Gonzaga, muling kinaaliwan dahil sa panibagong TikTok video na ibinahagi

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel