Ogie Diaz, sinagot ang akusasyong may pinapanigan siya sa Gerald-Bea issue

Ogie Diaz, sinagot ang akusasyong may pinapanigan siya sa Gerald-Bea issue

- Matapos ang lalong umiinit na diskusyon sa isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto, muling ibinahagi nina Ogie Diaz at Mama Loi ang kanilang pananaw

- Hinimay nila ang mga pangyayari kasunod ng pag-amin ni Gerald Anderson tungkol sa kanilang relasyon ni Julia

- Nagbalik-tanaw din sila sa mensahe noon ni Julia na hindi umano siya papayag na maging biktima ni Bea Alonzo

- Sinagot din ni Ogie ang akusasyong may pinapanigan daw si Ogie sa isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagbigay ng kanilang pananaw sina Ogie Diaz at Mama Loi hinggil sa isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Ito ay matapos lalong umingay ang isyu kasunod ng pag-amin ni Gerald tungkol sa kanila ni Julia.

Ogie Diaz, sinagot ang akusasyong may pinapanigan siya sa Gerald-Bea issue
Ogie Diaz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

Nagbalik-tanaw din sila sa mensahe noon ni Julia na hindi umano siya papayag na maging biktima ni Bea Alonzo. Matatandaang may matinding mensahe noon si Julia kay Bea matapos niyang mabatikos tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Bea at Gerald.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa umano sa inaabangan ng publiko ay ang magiging reaksiyon ng mga pamilya ng mga taong nadadawit sa isyung ito.

Sa tingin ni Ogie, maaring sumagot pa uli si Bea kapag may sasabihin si Julia na sa tingin niya ay dapat niyang sagutin para maipagtanggol ang kanyang sarili.

Nilinaw ni Ogie na wala siyang pinapanigan sa isyung ito dahil parehas niyang kaibigan sina Bea at Gerald.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel