Vin Abrenica at Sophie Albert, ibinahagi ang kaganapan sa kanilang baby shower

Vin Abrenica at Sophie Albert, ibinahagi ang kaganapan sa kanilang baby shower

- Ibinahagi ng magkasintahang Vin Abrenica at Sophie Albert ang video na kuha sa kanilang baby shower

- Ang sister-in-law ni Sophie ang nag-organize ng kanilang baby shower na dinaluhan ng ilang taong malalapit sa kanila

- Bukod sa mga games ay ibinahagi ng bawat isa ang kanilang hiling para sa anak nila na tinawag nilang si Baby A

- Nabigyan din ng pagkakakataon ang bawat isa na magbigay ng kanilang suggestion na pwedeng ipangalan sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi nina Vin Abrenica at Sophie Albert ang baby shower na inihanda ng sister-in-law ni Sophie para sa kanila.

Ilan lang sa mga taong malalapit sa kanila ang dumalo sa intimate baby shower para sa kanilang panganay na tinawag nilang si Baby A.

Vin Abrenica at Sophie Albert, ibinahagi ang kaganapan sa kanilang baby shower
Photo from Vin Abrenica (@vinabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Bukod sa mga inihandang palaro, naging highlight din ng baby shower ang pagbasa ng mag-asawa ng mga wish ng mga taong naroroon para sa kanilang panganay.

Lahat din sila ay nabigyan ng pagkakataong makapag-suggest ng pangalan para kay Baby A. Makikita ang saya sa mukha ng dalawa ang kanilang kasiyahan habang binubuksan ang mga regalo para kay Baby A.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging sunod-sunod ang mga ibinahaging anunsiyo ng dalawa simula nang ibahagi nilang magsasama na sila sa iisang bubong. Kasunod nito ay ibinahagi nila ang tungkol sa kanilang engagement at ang pagbubuntis ni Sophie.

Maging ang kanilang gender reveal ay isinapubliko nila kamakailan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Vin Abrenica ay aktor na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang Kapamilya series kagaya ng Wild Flower at A Soldier's Heart. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

Kamakailan ay naging emosyonal si Vin sa mensahe para sa kanya ng girlfriend na si Sophie. Si Vin ang naunang nagkumpirma tungkol sa pamamanhikan noon ng kanyang kapatid na si Aljur.

Kamakailan ay isinapubliko nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Sophie at ang tungkol sa kanilang engagement.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel