Julia at Gerald, namataang magkasama matapos ang pag-amin ng aktor

Julia at Gerald, namataang magkasama matapos ang pag-amin ng aktor

- Matapos isapubliko ni Gerald Anderson ang tungkol sa kanilang relasyon ni Julia Barretto ay namataang silang magkasama

- Sa gitna ng mga komento ng ilang netizens laban sa kanila, nakangiti ang magkasintahan habang namamahagi ng tulong

- Matatandaang inamin ni Gerald ang tungkol sa kanilang relasyon sa isang panayam ni Boy Abunda

- Naging kontrobersiyal ang kanyang pag-amin dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang kinilig sa mga bagong litrato ng dalawa na magkasama matapos ang pag-amin ni Gerald Anderson sa kanilang relasyon.

Sa katunayan, marami sa kanila ang nagbansag sa tambalan nila bilang "Jurald."

Julia at Gerald, namataang magkasama matapos ang pag-amin ng aktor
Photo from Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ng Kapamilya Online World, namataan ang dalawa sa isang event ng Philippine Coast Guard. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita silang magkasama pagkatapos ang kontrobersiyal na pag-amin ni Gerald.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matagal nang napapabalitang may relasyon ang dalawa, Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ng magkabilang panig sa tuwing natatanong sila tungkol sa napapabalitang relasyon.

Matatandaang hindi naging maganda ang reaksiyon ng ilang netizens sa napabalitang relasyon nila dahil sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan naman ay naging usap-usapan ang pagganap ni Julia at dating boyfriend nitong si Joshua Garcia sa isang music video na sinasabi ng ilang netizens na tila nagsilbing closure sa paghihiwalay nila.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

Sa nakaraang video na kanyang ibinahagi, pinasilip ni Julia ang kanyang koleksiyon ng mga designer bags. Ibinahagi niya rin sa kanyang subscribers ang kanyang walk-in closet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel