Basel Manadil, ipinakita ang lugar kung saan balak ipatayo ang "family dream house"
- Ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang napakagandang lugar kung saan niya balak na ipatayo ang kanilang "family dream house"
- Nabanggit niya sa caption ng kanyang video na ang una niyang napili ay nabili na
- Ngunit matapos ang ilang beses niyang pagbisita, tila desidido na si Basel na bumili ng lote sa ipinakitang lugar na sinasabing sa Laguna
- Nakikita na rin umano niyang "nakatayo" ang kanilang bahay sa napakagandang tanawin ng napiling lugar
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Manghang-mangha si Basel Manadil habang ipinakikita ang napakagandang lugar na kanya umanong napili kung saan balak niyang ipatayo ang retirement home ng kanyang mga magulang.
Nalaman ng KAMI na tinawag pa niya itong "parang Switzerland" sa ganda umano ng tanawin.
Sa caption ng vlog ni Basel tungkol dito, nasabi niyang nabili na umano ang unang lote na nakita niya kung saan sana ipatatayo ang kanilang "family dream house".
After few months since the last time I searched for the perfect place to build my parents and family's dream house and that particular lot we vlogged few months ago was already taken by someone else, I finally found this paradise where I can see building my family's dream home!
Sinasabing "Ayala lot" ang ang lugar sa Laguna na aakalain mong nasa ibang bansa ka nga.
Halos paulit-ulit niyang sinasabi na "so beautiful" ang lugar at hindi mo na rin daw kailangan pang pumunta sa Tagaytay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ipinakita rin ang clubhouse, restaurants, basketball courts, function halls at iba pang bahagi ng lugar kung saan maari nga namang mag-relax ang sinoman.
Tahimik at malayo sa gulo at ingay ng siyudad ang lugar kaya naman nakikita ni Basel na doon magre-retire umano ang kanyang mga magulang sa ipatatayo niyang bahay.
Nakikita rin umano niyang maari siyang magtayo roon ng branch ng YOLO, ang kanyang restaurant.
"This is not a sponsored video, but really considering on having my parent's house here. “A goal properly set is halfway reached,” pahayag pa ni Basel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Isa sa mga natulungan ni Basel kamakailan ay ang nag-viral na rider na nagbisikleta mula Binondo hanggang Cavite.
Hindi lamang niya ito binigyan ng tulong pinansyal, binigyan pa niya ito ng trabaho bilang staff sa isa sa kanyang mga negosyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh