Derek Ramsay, nagpa-wax kay Ellen Adarna matapos matalo sa pustahan nila

Derek Ramsay, nagpa-wax kay Ellen Adarna matapos matalo sa pustahan nila

- Ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram Stories ang naging reaksiyon ni Derek Ramsay nang i-wax niya ang balahibo nito sa paa

- Ayon kay Ellen, natalo ito sa kanilang bet kaya iyon ang kailangan niyang pagdaanan

- Napasigaw na lamang si Derek sa tuwing hihilain ni Ellen ang wax kasabay ng mga balahibo niya sa paa

- Maririnig naman ang pagtawa ni Ellen sa tuwing napapahiyaw si Derek sa sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Panibagong bonding moments naman nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Ellen Adarna ang reaksiyon ni Derek Ramsay nang i-wax ni Ellen ang mga balahibo niya sa binti at paa.

Derek Ramsay, nagpa-wax kay Ellen Adarna matapos matalo sa pustahan nila
Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Ani Ellen, dahil natalo siya sa kanilang "bet," iyon ang kanyang kailangang pagdaanan. Sa tuwing hihilahin ni Ellen ang wax kung saan nakadikit ang balahibo niya, napapasigaw na lamang si Derek.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Maririnig din ang pagtawa ni Ellen sa reaksiyon ni Derek sa tuwing nasasaktan ito sa pagkakabunot ng mga balahibo niya sa binti.

Makikita din sa mga video na ibinahagi ni Ellen na naroroon din ang anak niyang si Elias M0desto.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Read also

Mari Fowler, hindi napigilang maglabas ng sama ng loob kay Rob Moya

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Lumitaw siya sa ilang mga covers ng magazine."

Samantala, agad na naging usap-usapan ang video na ibinahagi ni Derek Ramsay kung saan kasama niya si Ellen at anak nitong si Elias.

Hindi naman pinalampas nina Ellen at Derek ang mga netizens na nambabatikos sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel