‘Hogwarts-inspired’ na PWD comfort rooms ng DOTr nag-viral
- Viral ngayon ang PWD comfort rooms ng Department of Transportation (DOTr)
- Ito ay dahil marami ang nalilito sa mga signage ng mga C.R. na ito
- Nag-tweet si JC Punongbayan tungkol sa isyu at tinawag niya itong “Comfort Room 9 ¾”
- Ipinaliwanag naman ng DOTr ang disenyo ng kanilang PWD comfort rooms
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tinawag ni JC Punongbayan na “Comfort Room 9 3/4” ang palikuran ng mga PWD sa Department of Transportation dahil sa nakakalitong pagkakalagay sa signage nito.
Maraming mga mamamayan ang nalito matapos makita nila ang isang larawan na nagpapakita ng dalawang pintuan ng mga C.R. na may PWD (person with disabilities) signage sa gitna.
Dahil dito ay hindi maiwasang mag-viral ang tweet ng economist at columnist na si JC Punongbayan. Halos umabot na sa 3.4k likes at mahigit 500 na ang nagretweet sa nasabing post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang tinutukoy na “9 ¾” ay ang sikat na train platform sa “Harry Potter” series. Ang nasabing platform ay nasa gitna ng platforms 9 at 10 ng London’s King’s Cross station. Upang makapasok sa platform ay kailangang lumusot mismo sa dingding na nasa pagitan ng dalawang platforms.
Ayon sa kwento ay dito pumapasok ang mga estudyante ng Hogwarts upang makarating sa Hogwarts Express.
Marami ang natawa at sumang-ayon sa tweet ni Punongbayan.
Ito ang ilan sa mga komento:
“Hahaha… ang talino. Harry Potter inspired. I wonder saan nakakarating? Hogwarts din kaya?”
“Bwahaha! Lulusot sa pader ‘pag PWD?”
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ipinaliwanag naman ng DOTr ang kahulugan ng kanilang signage. Ayon sa kanila, ang ibig sabihin daw nito ay nakalaan ang dalawang C.R. para sa mga PWDs. Ito raw ang rason kung bakit maluluwag ang mga pintuan nito.
“If you will also look closely at the photo, there are two arrows at the left side pointing to opposite directions. Those two arrows are directional signages leading to the male and female regular comfort rooms,” sabi ng ahensya.
Ayon rin sa DOTr, ang litrato na ginamit ni Punongbayan ay kinunan habang ini-inspeksyon ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang bagong gawang Tagbilaran Port Passenger Terminal Building.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Department of Transportation (DOTr) ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na sumasaklaw sa mga isyu o pangangailangan ng mga tao para sa ligtas at maayos na transportasyon.
Sa ngayon ay hindi lang ang DOTr ang ginagawang katatawanan sa social media. Viral din ang fake news daw umano na litrato na ipinapakitang nagpapaturok ng bakuna si VP Leni Robredo.
Trending rin ngayon ang bise presidente dahil sa hamon sa kanya ni Pang. Rodrigo Duterte na mag-shopping ng COVID-19 vaccines sa labas ng bansa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh