Devon Seron at Kiko Estrada, iniintrigang hiwalay na dahil sa mga post aktres

Devon Seron at Kiko Estrada, iniintrigang hiwalay na dahil sa mga post aktres

- Usap-usapan din ngayon ang magkasintahang Devon Seron at Kiko Estrada

- Ito ay matapos magbahagi ng mga makahulugang mga mensahe si Devon sa social media

- Hindi pinangalanan ni Devon kung kanino patungkol ang kanyang cryptic post

- Kapansin-pansin ding wala na ang mga litrato ni Kiko sa Instagram ni Devon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiintriga ngayon ang magkasintahang Devon Seron at Kiko Estrada kasunod ng mga makahulugang post ni Devon sa social media.

Kapansin-pansin ang mga komento ng malalapit na tao kay Devon na tila may pinapatungkulan sa umano'y pang-aahas.

Devon Seron at Kiko Estrada, iniintrigang hiwalay na dahil sa mga post aktres
Devon Seron (@devonseron)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Instagram account naman ng aktor ay kasalukuyang naka-pribado. Kaya naman, nakadagdag ito sa espikulasyong nagkakaproblema nga ang dalawa.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Punong-puno ng emoji na ahas ang comment section ng post ni Devon na tila nagpapahiwatig ng pagkatuklas niya sa isang bagay na nakasakit sa damdamin niya.

The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakapribado na rin ang Instagram account ni Devon kasunod ng paglabas ng balita kaugnay sa kanila ni Kiko.

Si Kiko ay kasalukuyang napapanood sa teleseryeng Bagong umaga. Samantala, ilan sa kasamahan nila sa nasabing palabas ay tila may ipinapahiwatig din sa kanilang mga post sa social media kasunod ng paglabas ng isyu.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Kiko Estrada o Jason Joseph Francis Carlos Diaz Ejercito anak ng isang retired actress. Anak siya ng aktor na si Garry Estrada.

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

Taong 2018, nang lumabas ang balita tungkol sa namumuong pagtitinginan nila ni Devon Seron. Matapos silang mamataang magkasama ng maraming beses ay inamin ng aktor ang tungkol sa kanilang relasyon noong January 2019.

Matatandaang nagsalita din si Devon tungkol sa kanila ni Kiko matapos maintriga dahil namataan silang magkasama at magka hawak-kamay habang naglalakad sa isang shopping mall noong Agosto ng taong 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel