“It’s not true": ABS-CBN, pinabulaanan ang balitang magtatapos na ang "FPJ: Ang Probinsyano"

“It’s not true": ABS-CBN, pinabulaanan ang balitang magtatapos na ang "FPJ: Ang Probinsyano"

- Agad na pinabulaanan ng ABS-CBN ang balitang magtatapos na umano ang "FPJ: Ang Probinsyano" ngayong Abril

- Ayon kay Kane Errol Choa, head ng ABS-CBN Corporate Communications, maglalabas pa sila ng opisyal na pahayag tungkol dito

- Nabanggit naman ng kolumnistang si Ricky Lo na extended pa hanggang July 2021 ang nasabing action-drama series

- Mahigit limang taon nang naisasa-ere ang ang naturang TV series na base sa classic movie ni Fernando Poe Jr. na may parehong pamagat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy pa ring mapapanood ang "FPJ: Ang Probinsyano" matapos na pabulaanan ng ABS-CBN ang mabilis na kumalat na balitang magtatapos na ito.

Nalaman ng KAMI na ilang oras lamang matapos mabalitang sa Abril ngayong taon magwawakas at long-running action- drama TV series ay nagbigay agad ng reaksyon si Kane Errol Choa, head ng ABS-CBN Corporate Communications.

Read also

Devon Seron at Kiko Estrada, iniintrigang hiwalay na dahil sa mga post aktres

"It’s not true,” pahayag ni Choa base sa ulat ng Philippine Star. Dagdag pa niya, maglalabas ng opisyal na pahayag ang network kaugnay ng nababalitang ito.

“It’s not true": ABS-CBN, pinabulaanan ang balitang magtatapos na ang "Ang Probinsyano"
Coco Martin (Photo credit: Ang Probinsyano)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, sa Instagram post naman ni Ricky Lo, nabanggit nitong hanggang Hulyo pa ang naturang programa na pinagbibidahan ni Coco Martin.

"FLASH: Coco Martin’s long-running Kapamilya action series “FPJ’s Ang Probinsyano” has been extended until July this year, just two months short of its 6th anniversary," ayon sa post.

"Got this good news from somebody who is involved in the production," dagdag pa ni Lo.

Samantala, una nang napabalitang magwawakas ang naturang serye noong pang 2018 kung saan tila nagpahiwatig noon si Coco Martin sa pagtatapos ng kanyang programa base sa ulat ng ABS-CBN. Hindi naman ito natuloy.

Read also

Birthday surprise ni Bea para kay Gerald noong 2019, binalikan ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ang TV adaptation ng classic film ni Fernando Poe Jr. na "Ang Probinsyano." Pinagbibidahan ito ni Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay. Setyembre 2015 pa nang una itong naisa-ere.

Pinag-uusapan din ngayon si Coco dahil sa pinakaabangang pagtatambal nila ni Angelica Panganiban sa pelikulang "Love or Money" na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel