Pia Wurtzbach, pauwi na ng Pilipinas; susunod din kaagad ang boyfriend

Pia Wurtzbach, pauwi na ng Pilipinas; susunod din kaagad ang boyfriend

- Matapos ang tatlong buwang bakasyon ay pauwi na ng bansa si Pia Wurtzbach

- Pansamantala siyang magpapaalam sa boyfriend na si Jeremy Jauncey

- Susunod din naman daw kaagad si Jeremy dito sa bansa kapag pwede na

- Huling bakasyon ng magkasintahan sa Morocco, kung saan ay nagdiwang sila ng Valentine’s Day

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pauwi na si Pia Wurtzbach sa Pilipinas at dahil dito ay kailangan na niyang pansamantalang magpaalam sa boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Pia Wurtzbach, pauwi na ng Pilipinas; susunod din kaagad ang boyfriend
Pia Wurtzbach (Photo credit: @piawurtzbach)
Source: Instagram

Pagkatapos ng tatlong buwang bakasyon sa labas ng bansa kasama ang kanyang Scottish businessman boyfriend ay babalik na ng Pinas ang dating Miss Universe.

Noong ika-2 ng Marso ay ibinahagi ni Pia sa Instagram ang balita kasabay ng pag-upload niya ng isang montage ng magagandang lugar sa Morocco.

“Leaving Morocco tomorrow. So I thought I’d make a montage of all the beautiful places you showed me (heart emoji) @jeremyjauncey I honestly don’t know what I’m doing on tiktok, I barely know how to use it but here goes!!”

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi rin ni Pia sa comment section na susunod agad si Jeremy sa kanya sa Pilipinas kapag pwede na o kapag maasikaso na nito ang mga kailangang dokumento.

“Philippines! I’m going back home and he’s gonna follow as soon as we’re ready to welcome foreigners or if he fixes his visa or permit. Whichever happens first hehe,” sabi ni Pia.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Umalis ng Pilipinas si Pia noong Disyembre upang makasamang mag-Pasko si Jeremy sa London.

Pagkatapos sa London ay lumipad agad ang magkasintahan patungong Maldives kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon.

Nagpunta naman sina Pia at Jeremy sa Morocco, sa North Africa, upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Anne Curtis, ibinahagi ang litrato ng magpinsang Dahlia at Thylane

Si Pia Wurtzbach ay isang German-Filipino beauty queen at aktres. Bago siya kinoronahan bilang Miss Universe 2015 ay dati na siyang nakasama sa ilang pelikula at teleserye. Mas kilala siya noon sa tawag na Pia Romero.

Higit isang buwan na ang nakakaraan nang mag-viral sina Pia at ang boyfriend nito na si Jeremy dahil sa mga daring nilang larawan sa social media. Ang mga ito kinunan habang nagbabakasyon sila sa Maldives.

Kamakailan din ay nagdiwang ang magkasintahan ng unang anibersaryo ng kanilang relasyon. Nagpalitan ng mga matatamis na mensahe ang dalawa sa kanilang social media accounts.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel