Pres. Duterte, nanindigang di tatakbo si Mayor Sara sa 2022 Elections
- Nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi tatakbo sa 2022 Elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte
- Naging maugong ang pangalan ni Mayor Sara sa mga napipisil na maging susunod na presidente
- Kamakailan lang nanguna si Mayor Sara sa isang survey na isinagawa ng OCTA Research
- Ngunit ilang beses na ring sinabi ng alkalde na wala itong planong kumandidato sa pagka-pangulo sa susunod na taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi tatakbo sa 2022 Elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa isang press conference sa Pasay City, sinabi ng pangulo na gusto munang mag-focus ni Mayor Sara sa kanyang pamilya, batay sa report ng Philippine News Agency at Phil Star.
"Si Sara ayaw because may anak kasi yan tatlo. Maliliit pa. Gusto niya na magfocus muna siya sa family. Sabi niya sa akin, marami pa namang panahon," sabi ni PRRD.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"She used my favorite statement. Sabi niya, kung gusto rin ng Diyos maging presidente ako kagaya ng sa iyo, magiging presidente ako," sabi pa ng pangulo.
"Ayaw niya ngayon. Sabi niya, kung magpresidente siya, just assuming, assuming after six years, bata pa siya, anong gawin niya? As an ex-president, hindi siya makatrabaho, hindi siya makaappear ng korte," dagdag pa nito.
Naging maugong ang pangalan ni Mayor Sara sa mga napipisil na maging susunod na presidente.
Ilang supporters din nito ang naglunsad ng "Run Sara Run" na nag-uudyok sa alkalde na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.
Sa isang video na ibinahagi ng News 5, nagpasalamat si Mayor Sara sa mga kaibigan at taga-suporta.
Hinikayat naman nito ang mga ito na gamitin na lamang ang mga resources sa pagtulong sa mga nangangailangan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dating nag-viral si Mayor Sara dahil sa pagsuntok niya sa mukha ng isang court sheriff noon.
Sa isa pang report ng KAMI, kamakailan lang nanguna si Mayor Sara sa isang survey na isinagawa ng OCTA Research sa mga napipisil bilang susunod na presidente at bise presidente.
Ngunit sa kabila nito, ayon kay Mayor Sara, hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh