Vin Abrenica at Sophie Albert, nagdaos ng dalawang gender reveal

Vin Abrenica at Sophie Albert, nagdaos ng dalawang gender reveal

- Ibinahagi nina Vin Abrenica at Sophie Albert ang kanilang ginanap na gender reveal para sa kanilang mga pamilya

- Dalawang gender reveal ang ginanap para sa kani-kanilang pamilya para maiwasan na rin ang malaking pagtitipon na ipinagbabawal

- Masayang-masaya ang dalawa nang malamang babae ang kanilang magiging anak

- Matatandaang kasunod ng pagsasapubliko nila ng tungkol sa kanilang engagement, ibinalita din nila ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang-masaya ang mga excited na magiging daddy at mommy-to-be na sina Vin Abrenica at Sophie Albert nang una nilang malaman ang kasarian ng kanilang baby.

Dalawang gender reveal ang idinaos nila para sa kani-kanilang pamilya. Ito ay para maiwasan ang malaking pagtitipon na ipinagbabawal alinsunod sa alituntunin ng IATF.

Vin Abrenica at Sophie Albert, nagdaos ng dalawang gender reveal
Photo from Vin Abrenica (@vinabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Derek Ramsay, sinabing si Ellen Adarna na ang "the one" para sa kanya

So happy to finally share our gender reveal celebrations with you guys! As much as we would have all wanted to be together, we had 2 separate get togethers for the Reyes family and the Abrenica family to keep everyone safe. Very different celebrations but both equally fun! Sharing with you special moments with our families.

Isa-isa nilang tinanong ang kani-kanilang pamilya kung ano ang hula at gusto nilang maging kasarian ng kanilang magiging baby.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napatalon pa si Vin matapos lumabas ang mga pink na mga lobo mula sa mas malaking lobo na kanilang pinutok.

Samantala, makikita sa bahagi ng video ng gender reveal para sa pamilya ni Vin ang mag-asawang Aljur at Kylie na napapabalitang may pinagdadaanang problema ngayon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

BTS sa shooting ng "Paubaya" music video, ibinahagi ni Moira Dela Torre

Si Vin Abrenica ay aktor na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang Kapamilya series kagaya ng Wild Flower at A Soldier's Heart. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.

Kamakailan ay naging emosyonal si Vin sa mensahe para sa kanya ng girlfriend na si Sophie. Si Vin ang naunang nagkumpirma tungkol sa pamamanhikan noon ng kanyang kapatid na si Aljur.

Kamakailan ay isinapublika nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Sophie at ang tungkol sa kanilang engagement.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel