Super Tekla, bumwelta sa taong nagsabing yumabang na siya

Super Tekla, bumwelta sa taong nagsabing yumabang na siya

- Hindi na napigilang buweltahan ni Super Tekla ang isang hindi pinangalanang tao

- Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi ng taong ito na yumabang umano si Super Tekla nang magkaroon ng pera

- Bwelta ng komedyante, pinagpaguran at pinaghirapan niya ang lahat kaya siya nakaahon sa dati niyang kalagayan

- Sinabi din ni Tekla na hindi niya lang napagbigyang pautangin ang taong kanyang tinutukoy kaya nag Fliptop umano ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook post ang ibinahagi ni Super Tekla kaugnay sa isang taong nagsabi umanong yumabang siya nang nagkapera na.

Bwelta ng komedyante, wala naman umanong naitulong sa kanya ang taong kanyang tinutukoy noong panahong walang-wala siya.

Katwiran niya, pinagpaguran at pinaghirapan niya kung anong meron siya.

Super Tekla, bumwelta sa taong nagsabing yumabang na siya
Photo from SuperTeklah Librada
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ex-gf ng game streamer na si Akosi Dogie, naiyak nang ibahagi ang kanyang panig

Dagdag pa ni Tekla, hindi niya umano napautang ang taong kanyang tinutukoy kaya ito nagtalak.

NAGPERA YUMABANG NA?BAKIT NUNG WALANG WALA AKO ANJAN KA!NAGSUMIKAP AKO AT MAY NAPALA SA PAGSISIKAP KO TAPOS SABIHIN MO MAYABANG NA!HINDI KA LNG PINAUTANG EH NAG FLIPTOP KANA #@shernanGaite

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Marami naman sa kanyang mga tagahanga ang nagtanggol kay Tekla at nagpatotoo sa umano'y tunay na ugali ng komedyante.

Isa sa dating kapitbahay niya ang nagbahaging lagi umano itong nagbabahagi sa kanila. Ibinahagi pa nito ang ilang mga litrato na magpapatunay na magkakilala nga sila ni Super Tekla.

Kilala ko yan si SuperTeklah Librada. Napakabait na tao niyan..Naging kapitbhay namin yan..Lalo na pag my pera yan wala kang masasabi kasi mag ask yan anong gusto niyo Kain.. lab lab tekla

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Read also

JaMill, proud na ibinahagi ang kanilang bagong business

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Naibahagi din ni Super Tekla ang kaganapan sa nagganap na binyag ng anak niyang si Baby Angelo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel