JaMill, proud na ibinahagi ang kanilang bagong business

JaMill, proud na ibinahagi ang kanilang bagong business

- Sa bagong vlog ng JaMill ay ibinahagi nila ang tungkol sa bago nilang business venture

- Ang nasabing food place ay isang milk tea house sa Nueva Ecija

- Marami ang nag-comment sa vlog at nag-congratulate sa magkasingtahan

- Ayon sa netizens ay tinotoo daw ng JaMill ang plano nilang magtayo ng milk tea house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinahagi ng YouTuber couple na sina Jayzam Lloyd Manabat at Camille Trinidad o JaMill sa kanilang mga followers na pinasok na rin nila ang pagbi-business.

JaMill, proud na ibinahagi ang kanilang bagong business
JaMill (Photo credit: @jamillph)
Source: Instagram

Noong ika-21 ng Pebrero ay nag-upload ang JaMill ng isang vlog kung saan ay ibinahagi nila ang kanilang bagong pinagkakaabalahan sa kanilang 12 million subscribers.

“Meron akong gustong i-share sa inyo mga ka-Igan.
“Hindi naman sa tinatago namin ‘to. Matagal na kasi ‘to.
“Talagang inaayos lang namin ‘yung step by step procedure,” sabi ni Jayzam.

Read also

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

“Inayos muna namin bago namin i-a-announce ‘to.” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang tinutukoy nilang bagong business ay ang isang milk tea shop na kasalukuyang under construction pa. Ito ay nasa Nueva Ecija, ang hometown ni Camille.

“Ayos babe, negosyante na tayo! Oh my goodness,” hindi mapigilang masabi ni Jayzam.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Siyempre, kaagad nag-comment ng kanilang kasiyahan at suporta ang JaMill fans. Karamihan sa kanila ay excited sa pagbubukas ng bagong business ng sikat na vloggers.

“Sino nakakaalala nung 1 gallon milktea kahit di successful yung ginawa nila nag karoon parin sila ng milktea shop (emojis) congrats proud kaming mga mandirigma (emojis)” comment ng isang netizen.
“I remember these two being happy of all they have, back in 2017 when I first watched them.. They’re that couple who dreamed and now still dreaming, they already achieved many dreams but can’t forget to thanks the almighty for it,” sabi ng isa.

Read also

Joshua Garcia, inamin ang dahilan ng pagpayag niyang gawin ang Paubaya MV

“i remember their 24 hours milktea challenge. they really did that promise na magtatayo sila ng milktea shop (emojis)” pag-gunita ng isang viewer.
“While watching this sabi ko kay mama na "mama kilala mo sila diba, mayaman na sila ngayon may mansion na sila dalawang sasakyan at magkakaroon ng milktea shop." Deep inside sobra yung pagka proud ko sa layo ng narating nyo naging isa kayo sa inspiration ko para mangarap hanggang sa maabot ko yung mga pangarap ko. (emoji)” sabi sa isang comment.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang JaMill ay ang love team ng online content creators na sina Jayzam Lloyd Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa mga pinakasikat na YouTube vloggers sa Pilipinas.

Dahil sa kanilang tagumpay sa vlogging ay marami na ring naipundar ang JaMill. Isa na rito ay ang isang bagong bahay. Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ibinahagi ng dalawa ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal at pagpa-pamilya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)