Artist, hinangaan dahil sa husay nito sa pagguhit gamit ang mga paa

Artist, hinangaan dahil sa husay nito sa pagguhit gamit ang mga paa

- Kahanga-hanga ang artist na si Bermin Rigor dahil sa husay nito sa pagguhit gamit lamang ang kanyang mga paa

- Walang mga kamay si Bermin subalit hindi ito naging hadlang upang makagawa siya ng mga natatanging mga obra

- Madalas niyang iguhit ang mga portrait at ilan ilan sa mga nagawa niya ay sina Willie Revillame, Manny Pacquiao at Catriona Gray

- Katunayan, isa siya sa mga kalahok sa Bangon Talentadong Pinoy kung saan nakapasok siya sa top 5 noong Pebrero 13 na episode

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakabilib ang artist na si Bermin Villasor Rigor dahil sa husay niya sa pagguhit.

Kahit na hindi siya biniyayaan ng mga kamay, masasabing biniyayaan naman siya ng talento dahil kahit paa lamang ang gamit, napakaganda ng mga obrang kanyang nalilikha.

Hindi naging hadlang kay Bermin ang kanyang kapansanan upang maibahagi ang kanyang talento.

Read also

Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

Artist, hinangaan dahil sa husay nito sa pagguhit gamit ang paa
Photo from Bermin Villasor Rigor
Source: Facebook

Katunayan, pasok si Bermin sa top 5 ng Bangon Talentadong Pinoy ng TV5 noong Pebrero 13.

Hanggang-hanga sa kanya ang mga hurado sa galing niya sa pagguhit ng mga mukha.

Ilan sa mga nagawan na niya ng portrait ay sina Willie Revillame, Manny Pacquiao at Catriona Gray.

Gamit lamang ang lapis, kuhang-kuha ni Bermin ang mga mukhang ipinaguguhit sa kanya.

Sa ilang mga videos na kanyang ibinahagi, makikita kung paano ginagawa ni Bermin ang kanyang mga obra.

Talagang mapapa-wow ang sino mang makakakita nito dahil sa natatangi talaga ang kanyang kakayanan kahit na siya ay may kapansanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nakakita na sa mga likhang sining ni Bermin.

"Nakaka-proud ka po kuya Bermin. Ituloy mo lang ang pag-drawing nakaka-inspire!"
"Inspiring si kuya Bermin. Kahit walang kamay, nakalilikha siya ng obra gamit ang mga paa"

Read also

JaMill, ibinahagi ang plano nila sa pagkakaroon ng mga anak at pagpapakasal

"Amazing! this is pure talent. Keep on inspiring us Bermin"
"Sana makapagpagawa ako ng portrait ko sa'yo kuya Bermin, napakahusay mo po!"
"Keep it up Bermin! maraming naniniwala sa talento mo"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, nito lamang taong 2020, nag-viral ang isang security guard na mahusay pala sa art. Napansin kasi siya ng isang customer habang ginagawa ang isang disenyo sa coffee shop na kanyang binabantayan.

Tulad ni Bermin, minsan ding hinangaan ang isang street artist na matapos masisante sa trabaho dahil sa kondisyong epilepsy, muli siyang nakabangon dahil sa paggawa ng mga obra kahit nasa tabi lamang ng kalsada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica