Sekyu sa coffee shop, pinabilib ang marami sa kanyang husay sa pagguhit

Sekyu sa coffee shop, pinabilib ang marami sa kanyang husay sa pagguhit

- Isang college instructor ang nakapansin ng husay ng isang sekyu sa pagguhit

- Inakala lamang daw ng na nag-scan ito ng temperature bilang protocol ngunit di raw niya akalain na ito ang gumagawa ng mga display sa chalkboard ng coffee shop

- Sa ganitong paraan naipagpapatuloy pa rin ng guwardiya ang kanyang hilig sa art

- Sa huling update ng instructor, binalikan at kinumusta niya ang guwardiya para na rin ipaalam na nag-viral ang larawan nito at marami ang bumilib sa kanyang talento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sekyu, pinabilib ang marami sa kanyang husay sa pagguhit

Joebert Palomer (Photo from Jamil Quiambao Carvajal Facebook)
Source: Facebook

Nag-viral ang larawan ng isang security guard na mahusay din sa pagguhit at pagdidisenyo.

Nalaman ng KAMI na napansin ito ng isang college instructor na si Jamil Quiambao Carvajal.

Kwento ni Carvajal sa kanyang post, inakala niyang i-scan lamang ng guwardiya ang kanyang temperature.

Laking gulat niya na ito pala ang gumagawa ng disenyo sa chalkboard ng coffee shop na kanyang binabantayan.

Nakilala niya ang guard na si Joebert Palomer. Gamit ang iba't ibang kulay ng chalk, nakapagdisenyo ito ng iba't ibang inuming mabibili sa coffee shop sa Shaw, Mandaluyong City.

Dagdag pa ni Carvajal, kinunan niya ng larawan ang guwardiya para mabigyan ito ng pagkakataong makilala sa husay niya sa sining.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa huling update ng instructor, sinabi nitong dinalaw niya muli ang guwardiya. Ipinaalam din niyang viral na ito sa social media dahil sa kanyang talento.

Mas lalo pa raw humanga si Carvajal sa sekyu dahil napakabait nito at nilarawan niyang 'down-to-earth' pa ito.

"Saludo sa iyo, Kuya Joebert! Pagpalain ka pa!" pahayag ng instructor na nakapansin ng talento ng sekyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa ring sekyu ang minsan nang hinangaan dahil kahit kiddie bike lang ang gamit nito, sinisikap pa rin niyang makapasok sa trabaho.

Nang mapansin siya ng ilang pulis sa checkpoint, hindi nagdalawang isip ang mga ito na magawan ng paraan na mabigyan ng bagong bike ang masipag na sekyu.

Isang guwardiya naman sa mall ang di inaasahang mabibiyayaan ng bago, original at mahal na branded na sapatos.

Napansin at binati lamang nito ang sapatos ng isang customer at nabanggit na hindi niya kayang bumili ng ganoong sapatos kahit pa iyong mga galing sa ukay-ukay.

Laking gulat ng guwardiya nang bumalik ang customer at binigyan niya ng isang pares ng magandang sapatos na matagal na niyang inaasam-asam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel