Oyo Boy Sotto, ibinahagi ang panahong nagkaroon ng pagtingin kay Tin

Oyo Boy Sotto, ibinahagi ang panahong nagkaroon ng pagtingin kay Tin

- Ibinahagi ni Oyo Boy Sotto ang ilan sa mga litratong kuha sa pelikula kung saan nagkasama sila ni Kristine Hermosa

- Aniya, iyon ang mga panahong nagkaroon siya ng pagtingin sa asawang si Kristine

- Kuha ang mga litrato sa eksena nilang dalawa sa pelikulang Enteng Kabisote 1

- Ayon pa kay Oyo, 17 taon na ang nakakaaran mula noong kinuhanan ang mga eksenang iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa ibinahagi ni Oyo Boy Sotto na mga litrato kung saan kasama niya ang asawang si Kristine Hermosa. Kuha umano ang mga iyon noong mga panahong nagkaroon siya ng pagtingin kay Kristine.

Ang kanyang ibinahaging mga litrato ay kuha sa pelikulang Enteng Kabisote 1 kung saan gumanap bilang Faye si Kristine at aswa ni Enteng Kabisote na ginampanan naman ni Vic Sotto.

Read also

JaMill, ibinahagi ang plano nila sa pagkakaroon ng mga anak at pagpapakasal

Ang gumanap bilang kanilang mga anak ay sina Aiza Seguerra at Oyo Boy Sotto.

Oyo Boy Sotto, ibinahagi ang panahong nagkaroon ng pagtingin kay Tin
Photo from Oyo Boy Sotto (@osotto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Oyo, 17 taon na ang nakakaraan nang gumanap sila sa nasabing pelikula.

17 years ago.. mga panahong nagkaron ng pagtingin sayo

Marami naman ang kinilig sa ibinahaging ito ni Oyo:

OMG 17 years ago na pala yan?!?! Grabeeee haha
Ang pretty pa din ni kristine....super idol ko yan mula noon hanggang ngayon...congrats po sa new baby nyo.
aob lahat ng lalaki sayo Oyo you win the heart of Kristine you really deserve each other because your a good heart. I really like you both God Bless your Family & Marriage

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Ogie Diaz, ibinahagi ang sigalot na naganap sa kanila noon ni Jericho Rosales

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Oyo Boy Sotto ay isang aktor, endorser at TV host. Anak siya ni Vic Sotto sa dati niyang asawang si DIna Bonnevie. Kapatid niya si Danica Sotto na dati ding umaarte sa telebisyon.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanilang 10th wedding anniversary sina Kristine at Oyo. Naibahagi din ng mag-asawa na buntis na muli si Kristine sa kanilang ikalimang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel