Kris Aquino, sinagot kung jojowain o totropahin sina Trillanes, Bong Go at Willie Revillame

Kris Aquino, sinagot kung jojowain o totropahin sina Trillanes, Bong Go at Willie Revillame

- Hindi inatrasan ni Kris Aquino ang Totropahin o Jojowain challenge kung saan ilan sa kontrobersiyal na mga personalidad ang kanyang pinagpilian

- Kabilang sa mga kasali sa kanyang choices ay sina Alden Richards, Piolo Pascual, Willie Revillame, Bong Go at marami pang iba.

- Aniya kung papipiliin siya sa lahat, ang kanyang pinaka pipiliin ay si Piolo Pascual dahil sa magagandang katangian nito

- Ipinaliwanag niya ang kanyang dahilan kung bakit niya napiling jowain si Bong Go

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas ni Kris Aquino ang pagiging prangka niya sa pagsagot sa jojowain o totropahin challenge kung saan kabilang sa mga pagpipilian niya ay sina Alden Richards, Piolo Pascual, Willie Revillame, Gabby Concepcion, Coco Martin, Empoy Marquez, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Raffy Tulfo, Antonio Trillanes at Bong Go.

Aniya ayaw niyang makarelasyon ang isang taong "too handsome" dahil hindi umano siya magiging komportable kaya, totropahin niya umano si Dingdong Dantes.

Kulitan nina Xian Lim, Marco Gumabao at Kylie Versoza, kinagiliwan ng mga netizens
Kris Aquino, sinagot kung jojowain o totropahin sina Trillanes, Bong Go at Willie Revillame

Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, walang pag-alinlangang jojowain niya umano si Piolo Pascual. Sang-ayon naman sa kanya ang anak na si Bimby.

“I know that he has his money, we have our money. ‘Di magiging issue sa’tin ‘yun. And then, I also know na ano, with him, you’ll know what you’re getting yourself into kasi hindi naman nambobola, alam naman natin na babaero siya, so, what’s the big deal?” ani Kris bilang paliwanag kung bakit niya jojowain si Willy Revillame.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“At least you know, mas okay na sa’kin ‘yung wag ka magpanggap," dagdag pa niya.

Totropahin din umano niya si Trillanes. Gayunpaman, nagbago ang isip niya nang sagutin niyang jojowain niya si Bong Go.

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

Ayon kay Kris, gusto niya ang makinis na balat ni Bong Go at naging mabait umano ito sa kanya nang bumisita siya noon sa Davao.

Nilinaw ni Kris na katuwaan lamang ang video na kanilang ginawa at hindi dapat lagyan ng malisya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa kabila ng pananabik ng kanyang tagahanga na muli siyang mapapanood sa telebisyon, nagkaroon ng panibagong isyu sa nakatakda sana niyang talk show kasama sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Love story ng 'foreignay' at BF sa Bawal Judgmental, nagpakilig sa netizens

Nilinaw ni Lolit Solis na hindi lamang nagkaunawaan ang kampo nila Kris Aquino at Cristy Fermin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel