Pepe Herrera leading man ni Toni Gonzaga sa ‘My Sassy Girl' PH version

Pepe Herrera leading man ni Toni Gonzaga sa ‘My Sassy Girl' PH version

- Ipinaalam na sa publiko na si Pepe Herrera ang gaganap na leading man ni Toni Gonzaga sa Philippine version ng “My Sassy Girl”

- Ito ay inanunsyo ng TinCan Films sa Facebook page nito noong ika-25 ng Enero

- Ipinakita rin sa post ang ilang litrato kung saan ay magkasama sina Toni at Pepe sa set

- Dati na palang pangarap na proyekto ng ‘Multimedia Queen’ ang “My Sassy Girl”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pepe Herrera ang makaka-tambal ni Toni Gonzaga sa Philippine version ng “My Sassy Girl”.

Pepe Herrera leading man ni Toni Gonzaga sa ‘My Sassy Girl' PH version

Pepe Herrera (Photo credit: @pepe.herrera)
Source: Instagram

Ilang araw matapos i-anunsyo na si Toni Gonzaga ang gaganap sa title role ng Pinoy version ng “My Sassy Girl”, ibinunyag na rin kung sino ang magiging leading man niya rito, at ito ay walang iba kundi si Pepe Herrera.

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

Ito ay ibinunyag ng TinCan Films, ang film production company ni Toni, sa Facebook page nito noong Lunes, ika-25 ng Enero.

“Grateful for your warm response for our Sassy Girl. Today, let us celebrate the guy who will tell her story. We are proud to share with you Pepe Herrera as our leading man for My Sassy Girl,”

Sa post ay makikita ang mga litrato kung saan ay magkasama sina Toni at Pepe sa set.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang “My Sassy Girl” ay isa sa mga sumikat na 2001 South Korean film dito sa Pilipinas.

Ayon kay Toni sa kanyang vlog, matagal na niyang gustong gawin ang pelikula, simula pa noong 2006.

Ibinahagi din niya na dati na siyang hinikayat ni Direk Cathy Garcia-Molina na panoorin ang “My Sassy Girl”.

Camille Prats hindi makapaniwala na may teenager na siyang anak
“Sabi ni Direk Cathy, panoorin mo ‘yung ‘Sassy Girl.’ Iyan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganiyan ka, may pagka-feisty.” sabi ni Toni.

Ang karakter na pagbibidahan ni Toni ay ginampanan ng South Korean superstar na si Jun Ji-hyun. Matagal nang ikino-kompara si Toni sa celebrity na ito. Si Jun Ji-hyun ay kilala rin sa kanyang pag-ganap sa series na “The Legend of the Blue Sea” kung saan ay nakapareha niya si Lee Min-ho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Pepe Herrera ay isang magaling na aktor hindi lang sa telebisyon kundi pati rin sa teatro. Nakilala siya bilang Benny sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sumabay ang pagkaka-anunsyo sa pagganap ni Toni Gonzaga sa “My Sassy Girl” sa kanyang ika-37 na kaarawan. Naging-viral din si Toni kamakailan dahil sa pagsisiwalat ni Direk Olivia Lamasan sa ginawa nitong kabayanihan para sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel