Aso na matiyagang naghintay sa kanyang amo sa labas ng ospital, viral

Aso na matiyagang naghintay sa kanyang amo sa labas ng ospital, viral

- Nag-viral ang isang aso sa Turkey na matiyagang hinihintay ang paglabas ng amo niyang nasa ospital

- Araw-araw mula nang ma-ospital ang kanyang fur-parent ay bumabalik ang aso at nag-aabang

- Tuwing umaga, mapapansin ng mga hospital staff na nasa labas na ang aso sa pagbabaka-sakaling lalabas na ang amo

- Kaya naman nang nakalabas na ang kanyang hinihintay, kitang-kita ang pananabik at kasiyahan ng aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang asong si Boncuk na mula sa Trabzon, Turkey.

Nalaman ng KAMI na matiyagang nag-aabang si Boncuk sa kanyang fur-parent na kamakailan ay na-ospital.

Sa video na binahagi ng Reuters, makikita kung paanong mag-abang si Boncuk sa labas ng ospital kung saan dinala ang kanyang amo.

Aso na matiyagang naghintay sa kanyang amo sa labas ng ospital, viral

Photo from Pixnio
Source: UGC

Ayon sa isang hospital staff, araw-araw bandang ika-siyam ng umaga, dumarating na ang aso at nakaabang na sa may pinto ng ospital.

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Hindi naman nila ito pinaaalis at hinahayaang mag-abang sa pinakamamahal na amo.

Mapapansing halos sa kada bukas ng pinto, nagbabaka-sakali si Boncuk na ang mo na niya ang lalabas at anumang oras ay handa siyang salubungin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hanggang sa makalabas na sa ospital ang kanyang fur-parent, kitang-kita ang pananabik at kaligayahan ni Buncok sa amo.

Ayon sa kanyang fur-parent na si Cemal Senturk, sadyang malapit sila sa isa't isa ni Boncuk na labis din niyang na-miss nang sila ay pansamantalang nagkahiwalay.

Naikwento rin nitong nasisilip pala niya sa bintana ng ospital ang alagang aso kaya naman alam nitong naroon ang amo kaya araw-araw siyang nag-aabang hanggang sa makalabas na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa bansa, minsan na ring nag-viral ang isang Pinay na nagmalasakit na pakainin ang mga asong walang nag-aalaga at nasa kalsada lamang lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kalabaw na nagmistulang 'wedding car', kinagiliwan ng maraming netizens

Gayundin ang isang palaboy na umantig sa puso ng marami dahil sa kabila ng kawalan niya ng sariling tahanan, nagawa pa rin niyang kupkupin ang mga asong wala nang nag-aalaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel