Vice Ganda, binuking na may lalaking artistang inabutan sa bahay ni Angeline Quinto

Vice Ganda, binuking na may lalaking artistang inabutan sa bahay ni Angeline Quinto

- Dinalaw ni Vice Ganda ang kaibigang si Angeline Quinto sa bahay nito nang biglaan

- Dahil kilalang malapit na kaibigan ni Angeline, tuloy-tuloy lang si Vice habang nililibot ang iba't-ibang bahagi ng bahay ng mang-aawit

- Binuking din ni Vice na inabutan niya sa bahay ni Angeline noon ang aktor na si Arron Villaflor

- Nilinaw naman ni Angge na kaibigan niya ang aktor habang tila inaasar siya ng TV host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapalag si Angeline Quinto nang puntahan siya ni Vice Ganda sa bahay niya nang walang pasabi. Inabutan pa siya ng TV host na nasa CR.

Tuloy-tuloy lang ang kulitan ng dalawa hanggang sa napagpasyahan nilang maupo sa labas malapit sa swimming pool at doon na lang kakain.

Habang naghihintay ng kanilang pagkain ay nabuking ni Vice na nakita niya umano si Arron Villaflor sa bahay ni Angeline Quinto nang minsan siyang pumunta sa bahay ng kaibigan.

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

Paglilinaw naman ni Angeline, kaibigan niya umano si Aaron.

Vice Ganda, binuking na may lalaking artistang inabutan sa bahay ni Angeline Quinto

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi din ni Vice na nagpabawas ng dibdib si Angeline dahil sa laki nito. Samantala, hinamon naman siya ni Angeline na sabihin kung ano pa umano ang pinagawa niya.

Dahil dito ay pinakita ni Vice Ganda ang mga litrato ni Angeline noong bago pa lamang ito sa showbiz. Nilinaw naman nilang hindi siya nagpagawa ng kanyaang ilong.

Parehas umano sila ni Vice na nagpatanggal ng taba sa kanilang eyelids dahil ukhang malungkot ang kanilang mata.

Samantala, marami naman ang natuwa sa kulitang ito ng magkaibigan:

Ito talaga hinintay ko nung sinabi ni meme na hintayin dw ang vlog nya kasama so Angeline. Sobrang saya kasi kapag magkasama tong dalwang to.
Napaka natural ng house raid na to. Ganyan2 talaga pag sinurprise mo yung kaibigan mo.
Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler
Hahaha..wala talaga silang kawala syo meme vice pag ikaw na ang mang raid ng bahay Ang ganda naman ng hauz ni Angge.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Kilala si Vice sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina. Kamakailan ay binigyan niya ng mamahaling relo ang kanyang Nanay Rosario.

Naging emosyonal din si Nanay Rosario sa inihandang sorpresa ng anak para sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel