'Bating Filipino', mas ligtas na paraan ng pagbati ng mga Pinoy

'Bating Filipino', mas ligtas na paraan ng pagbati ng mga Pinoy

- Pasado na sa kongreso ang makabagong pamamaraan ng pagbati ng mga mga Pilipino

- Isinulong ito ni Congressman Bayani Fernando bago pa man lumaganap ang COVID-19

- Matagal na umano kasing napatunayan ng Agham na isa ang pakikipagkamay o handshake sa mga dahilan ng mabilis na paglaganap ng sakit

- Subalit may COVID man daw o wala, nararapat na kasanayan na ang bagong pagbating ito na mas nagpapakita ng paggalang at magiliw na pagpupugay ng mga Pinoy

- Dahil dito, ipinasa na ng kongreso ang House bill 8149 na naglalayong isagawa ang Pagbating Filipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hulyo 2019 pa nang isulong ni Congressman Bayani Fernando ang Resolution no.42 na naglalayong ipalaganap ang bagong pamamaraan ng pagbati, paggalang at pagpupugay na ligtas sa anumang uri ng karamdaman.

Nalaman ng KAMI na tinawag itong 'Bating Filipino' na nararapat nang makasanayan ng mga Pinoy lalo na ngayong panahon ng patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Read also

Lolo na delivery rider, pinatawad ang customer na muntik siyang saktan

Kapalit umano ito ng pakikipagkamay o 'handshake' na ati nang kinagawian bilang pagbati.

'Bating Filipino', makabago at ligtas na paraan ng pagbati ng mga Pinoy
Handshake Photo from Pixabay
Source: UGC

Bago pa man ang panahon ng COVID-19, napatunayan na ang pakikipagkamay ay isang mabilis na paraan ng pagkakahawa sa iba't ibang sakit o paglipat ng mga nakahahawang karamdaman.

Walang paghawak o paglapit na magaganap sa pagbating ito. Inilalagay lamang ang kanang kamay sa gitnang bahagi ng dibdib habang pansumandaling pumipikit at yumuyuko.

Pinagtibay na ito ng kongreso na nilagdaan ni former House Speaker Alan Peter Cayetano noong Pebrero 2020.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ang inaasahang opisyal na pagbati, pagbibigay galang at magiliw na pagpupugay ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng paglaganap ng COVID-19.

Sinuportahan ng mga mambabatas ang resolusyon ni Fernando at pinagtibay ang House Resolution No. 408 noong Hunyo 2020.

At nito lamang Enero 19 ng kasalukuyang taon, naipasa ng mga mambabatas ang House Bill 8149, na naglalayong isagawa ang Pagbating Filipino. Ang mga mambabatas ay bumoto ng 211-1-1 sa panukalang batas.

Read also

Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Narito ang video na nagpapakita kung paano gawin ang 'Bating Filipino.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pakikipagkamay, isa rin sa mga nakagawian na ng mga Pilipino ang pagmamano sa mga nakatatanda.

Dahil sa pandemya at patuloy na paglaganap ng COVID-19, hindi na rin ito nagagawa upang maiwasan ang hawahan lalo na sa mga may edad na na sinasabing madaling mahawa ng karamadamang nabanggit.

Kaya naman sa 'Bating Filipino' masasabing ligtas ang bawat isa sa pamamaraan ng pagbating ito na hindi na kinakailangang maghawak-kamay, magdikit o lumapit, mayroon pa man pandemya o kahit na matapos na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica