Pinoy frontliner, isa sa mga nabakunahan ng kontra COVID-19 sa Italy
- Isa ang Pinoy frontliner sa Italy sa mga unang nabakunahan ng kontra COVID-19
- Ibinahagi niya ang kanyang karanasan nang matanggap ang isang dose ng bakuna
- Matapos ang 21 days, matatanggap na niya ang ikalawang dose ng naturang vaccine
- Driver ng ambulansiya ang Pinoy frontliner na ito mula Tuscany at sila talaga ang unang nakakasalamuha ng pasyenteng may COVID-19 bago ito madala sa ospital
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng Pinoy frontliner sa Italy na si Quintin Cavite Jr. ang kanyang karanasan bilang isa sa mga pinakaunang nakatanggap ng COVID-19 vaccine.
Nalaman ng KAMI na Pfizer vaccine ang natanggap ni Quintin. Unang dose pa lamang ang naibakuna sa kanya at ang ikalawang dose ay gagawin sa Enero 22.
Ayon pa sa panayam ni Noli De Castro ng ABS-CBN News kay Quintin, inuuna talagang mabigyan ng COVID vaccine ang mga frontliner na tulad niya.
Driver ng ambulansiya si Quintin kaya naman masasabing sila talaga ang unang nakakasalamuha ng mga nagpopositibo sa virus bago ito madala sa ospital.
Kaya naman prayoridad na unahin ang mga tulad niya nasa medical field na siyang tumutugon sa mga tinatamaan ng virus.
Ayon pa kay Quintin, obligatory ang bawat mamayan sa Italy na magkaroon ng family doctor. Dahil dito madali nilang natutukoy ang medical history ng bawat isa na siyang isa sa mga inaalam bago mabakunahan ng COVID vaccine.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Kinokonsulta muna namin 'yung aming family doctor kung merong contraindications. Tapos kung meron pong signal 'yung family doctor, we proceed," paliwanag ng frontliner.
Matapos na mabakunahan, wala namang kakaibang naramdaman si Quintin maliban sa normal na pagsakit ng braso na agad namang nawala makalipas ang ilang oras.
Agad naman silang pinapayuhang kumonsulta sa doktor sakaling mayroon silang di magandang maramdaman.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, ay umugong ang balita ng umano'y pagkamatay ng 23 na matanda sa Norway na nakatanggap ng Pfizer vaccine kontra COVID-19. Pawang may mga karamdaman ang mga senior citizens na ito kaya't pinag-aaralan pa kung ang mismong bakuna ang naging sanhi ng kanilang pagpanaw.
Samantala sa ating bansa, isa umano si Pangulong Rodrigo sa mga unang magpapabakuna ng sakaling magkaroon na rin ng COVID-19 vaccine sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaring makumbinsi ang pangulo na gawin ito upang mas lalong tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa naturang bakuna.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh