Makati police chief at medico-legal officer ng Dacera case, masisibak
- Pansamantalang matatanggal sa puwesto ang hepe ng pulis sa Makati at dalawang medico-legal officer na nag-imbestiga sa kaso ni Christine Dacera
-Inaprubahan na ni PNP Chief General Debold Sinas ang rekomendasyong ma-relieve ang mga ito habang isinasagawa ang internal investigation sa kaso
- Nilinaw naman ni Sinas na bagama't pansamantalang maaalis sa pwesto, kinakailangan pa rin ang serbisyo ng mga ito sa paglilipat ng mga documentary evidences
- Enero 27 ang itinakdang araw ng ikalawang hearing ng kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aprubado na ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang rekomendasyon na panasamantalang matatanggal sa pwesto ang chief of Police ng Makati at dalawang medico-legal officer na nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa ulat ng GMA News, napagdiskusyunan nina Sinas at ni NCRPO chief Brigadier General Vicente Danao Jr. ang nasabing rekomendasyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa isang text message na ipinadala ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa Inquirer, inaprubabahan ang pansamantalang pagkakatanggal sa pwesto ng tatlong pulis dahil sa sinasabing mga naging lapses nito sa isinagawang imbestigasyon sa kaso ni Dacera.
Nalaman ng KAMI na sinabi pa umano ni Sinas sa press briefing na ibinibigay niya ang kaukulang desisyon ng implementasyon ng kanyang inaprubahan kay NCRPO chief.
“All of them will be momentarily relieved from their posts because of the internal investigation ongoing. But their services might still be needed for the smooth transfer of documentary evidence,” ayon sa pahayag ni Sinas mula sa Manila Bulletin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa bathtub ng City Garden Hotel kung saan siya nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang mga kaibigan.
Naditena sa Makati Police ang tatlo sa mga huling nakasama ni Dacera bago ito pumanaw subalit napalaya rin dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.
Enero 13 nang isagawa ang preliminary investigation sa Makati Prosecutor's office kung saan dinaluhan ito ng mga nakasama ni Dacera sa room 2209.
Samantala, 12 naman ang sumipot na sa NBI na mula naman sa room 2207 ng nasabing hotel, na makailang beses na binalikan ni Dacera.
Sinundo pa mula Tacloban ang isa pang tao na kasama ng mga nasa room 2207 upang magbigay ng sinumpaang pahayag kaugnay sa mga huling sandali ng flight attendant.
Enero 10 nang maihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Dacera sa General Santos City.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh