Limang akusado sa Christine Dacera case, "negative" sa drúg test

Limang akusado sa Christine Dacera case, "negative" sa drúg test

- Negatibo sa drúg test ang limang akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Ipinakita nila ang aktwal na resulta ng ginawa sa kanilang drúg test noong Enero 11

- Ito ay matapos din nilang bawiin ang nauna nilang salaysay na mayroon umanong powder drúg sa kanilang party

- Nilinaw nilang na-pressure umano sila ng pulisya na sabihin ang naturang pahayag noong naka-ditena pa ang dalawa sa kanila

Limang akusado sa Christine Dacera case, "negative" sa drúg test

Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Buong tapang na ipinakita ng limang akusado sa Christine Dacera case na sina Valentine Rosales, JP Dela Serna, Gregorio De Guzman, Clark Rapinan at Romel Galido ang resulta ng isinagawang drug test sa kanila.

Nalaman ng KAMI na negatibo ang limang ito sa test ginawa sa kanila matapos na masangkot sa pagkamatay ng kaibigan nilang si Dacerna.

Sa Facebook page nilang 'Fund the Truth' ipinakita mismo ng lima ang aktwal na resulta ng test na magkakaibang clinic at pagamutan.

Aiko Melendez, nadulas sa pagkakakilanlan ng blind item ni Ogie Diaz

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Patunay lamang daw ito na walang droga sa kanilang party noong Disyembre 31 bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Matatandaang binawi rin nina Dela Serna at Galido ang una nilang pahayag na nagsasabing tila mayroong powder drúg sa kanilang selebrasyon.

Ayon sa kanilang bagong salaysay, na-pressure umano sila ng pulisya na sabihin ang bagay na ito tungkol sa droga lalo na at sila ang dalawang na-detain sa Makati Police.

Nilinaw nilang wala talagang droga sa party at kinailangan lamang nila itong sabihin sa takot na hindi umano sila mapalaya kung hindi raw nila susundin ang pinasasabi sa kanila ng pulisya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 ng tanghali nang makita ng limang mga akusado na ito na wala nang buhay ang kanilang kaibigan na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda

Nagsimula nang umusad ang kaso nitong Enero 13 kung kailan ginanap ang preliminary investigation sa Makati Prosecutor's Office.

Samantala, maging ang 12 na mga tao sa room 2207, ang isa pang silid na makailang beses na pinuntahan ni Dacera ay sumipot naman sa NBI upang magbigay ng salaysay sa pangyayari.

Nitong Enero 15, sinundo pa mula Tacloban ang ika-13 tao ng room 2207 upang magbigay din ng sworn statement kaugnay sa kaso ng 23-anyos na pumanaw na flight attendant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel