Aiko Melendez, nadulas sa pagkakakilanlan ng blind item ni Ogie Diaz
- Kumasa si Aiko Melendez sa lie detector challenge sa muli niyang pag-guest sa YouTube channel ni Ogie Diaz
- Nagsalitan ang dalawa sa kanilang pagtatanungan tungkol sa mga bagay-bagay na nais nilang itanong sa isa't-isa
- Hindi naman sinasadyang napangalanan ni Aiko Melendez si Alfred Vargas bilang ang artistang tinutukoy ni Ogie sa kanyang blind item
- Aminado naman si Ogie na may tampo siya sa aktor at hindi umano ito personal na galit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi man diretsahang pinangalanan ni Ogie Diaz ang tungkol sa artistang kanyang tinutukoy sa kanyang blind item kaugnay sa desisyon nito sa franchise renewal, marami ang naniniwalang si Alfred Vargas ang tinutukoy ng entertainment writer.
Hindi naman sinadyang pangalanan ni Aiko Melendez ang aktor matapos nitong magtanong kay Ogie sa kanilang lie detector challenge sa video na ibinahagi ni Ogie.
Deretsahan namang inamin ni Ogie na meron siyang tampo sa aktor at hindi personal na galit.
Aniya, hindi katulad ng ibang artista na kagaya nina Dan Fernandez at Yul Servo, si Alfred umano ay walang paninindigan.
Gayunpaman, nilinaw niya na di ibig sabihin na gusto niya ang naging desisyon ng mga ito.
Matatandaang nilinaw ni Alfrred na napagpasyahan niyang mag-inhibit sa pagboto dahil sa umano'y conflict of interest.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa si Alfred sa mga conggresista na binigyan ng pagkakataon na bumoto para sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
Ang naging aksiyon na ito ni Alfred ay nakaapekto sa kanyang pelikula dahil sa marami sa tagasuporta ng ABS-CBN ang sinadyang hindi manood para ipakita ang kanilang protesta sa nangyari sa network.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.
Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz.
Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh