Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI
- Dumating sa NBI ang mga taong nakilala nila na mula sa room 2207, ang isa pang silid na pinuntahan din ni Christine Dacera
- Isa sa mga ito ang basketball player na umano'y naroon din sa nasabing kwarto noong Disyembre 31 at lumabas noong Enero 1
- Nasabi pa umano ng basketball player na naniniwala siyang walang krimen na naganap sa pagkamatay ni Dacera
- Ayon din sa kanilang abogado, willing na maki-cooperate ang mga nasa room 2207 para sa ikalulutas ng kaso
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasa 12 katao na sinasabing mula sa room 2207, ang sumipot at nagpaunlak sa imbitasyon ng National Bureau of investigation upang magbigay ng kanilang salaysay kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Nalaman ng KAMI na ang room 2207 na ito ng City Garden Grand Hotel ay ang isa pang kwarto na makailang beses na pinuntahan ni Christine Dacera.
Kasama ng mga personalidad ng nasabing kwarto ang kani-kanilang abogado pasado alas dos ng hapon ng Enero 13.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Isa ang basketball player na si Justin Rieta sa mga dumating sa NBI. Si Justin ay nasa room 2207 ngunit sinabi niyang hindi niya kilala ang mga nasa room 2209 kung saan naka-check in si Dacera.
Nang tanungin siya ni Emil Sumangil ng GMA News, kung sa tingin niya'y may krimen na nangyari, sinagot nitong wala.
Sa kabila nito, willing naman daw umano silang maki-cooperate sa imbestigasyon gayundin ang sinabi ng kanilang legal counsel.
Nagbigay ng kani-kanilang sworn statement ang mga taong ito mula sa room 2207 na sinasabing malaki rin ang maitutulong sa paglutas ng kaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati.
Naaresto ang tatlo sa kanyang mga kasama subalit napakawalan din dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Samantala, dumalo rin ang anim na mga akusado sa preliminary investigation ng kaso ni Dacera na ginanap sa Makati Prosecutor's office nitong Enero 13.
Sinabing binawi nina Rommel Galido at JP Dela Serna ang nauna nilang salaysay na may kaugnayan ang paggamit ng droga sa kaso. Sinabi pa nilang na-pressure lamang sila ng pulis Makati upang sabihin ang tungkol sa droga na wala naman umano sa kanilang party.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.
Source: KAMI.com.gh