Nikka Garcia, buntis na sa pang-apat na anak nila ni Patrick Garcia

Nikka Garcia, buntis na sa pang-apat na anak nila ni Patrick Garcia

- Ibinahagi ng mag-asawang Nikka at Patrick Garcia na magkakaroon uli sila ng anak

- Nagdadalang-taong muli si Nikka sa kanilang ika-apat na anak at ayos lang umano sa kanila kahit anong kasarian ng baby ang ibigay sa kanila

- Mayroon na silang apat na anak na babae at ipinakita ng mag-asawa ang reaksiyon ng mga ito nang ibahagi nila ang balita

- Unang pinaalam nila sa ina ni Nikka ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at kagaya nila ay tuwang-tuwa din ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng mag-asawang Nikka at Patrick Garcia na magkakaroon uli sila ng anak. Nagdadalang-taong muli si Nikka sa kanilang ika-apat na anak at ayos lang umano sa kanila kahit anong kasarian ng baby ang ibigay sa kanila.

Mayroon na silang apat na anak na babae at ipinakita ng mag-asawa ang reaksiyon ng mga ito nang ibahagi nila ang balita. Unang pinaalam nila sa ina ni Nikka ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at kagaya nila ay tuwang-tuwa din ito para sa mag-asawa.

Read also

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

Nikka Garcia, buntis na sa pang-apat na anak nila ni Patrick Garcia
Photo from Nikka Garcia (@nikkamgarcia)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Patrick Garcia ay isang aktor na unang nakilala nang mapasali siya sa pelikulang "Separada" noong 1994. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay "Gimik", "Araw-araw, gabi-gabi", at "Asero." Siya ang nakababatang kapatid ng dating aktres na si Chesca Garcia. Pinsan siya nng mga aktres na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras. Nagkaroon siya ng anak sa dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang samahan.

Sa katunayan, maging ang kasalukuyan nitong asawang si Nikka Garcia ay malapit kay Alex Jazz. Marami sa mga netizen ang natuwa sa pagbati nina Jennylyn at Nikka tuwing sumasapit ang kaarawan ni Alex Jazz.

Read also

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y tampuhan noon ni Nikka at Chesca Garcia. Gayunpaman, matapos lumabas ang mga video na muli silang nagkasama, marami ang natuwa na sa wakas ay nagkaayos sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel