Makisig Morales at Nicole Joson, pinagdiwang ang kanilang 2nd wedding anniversary

Makisig Morales at Nicole Joson, pinagdiwang ang kanilang 2nd wedding anniversary

- Ipinagdiwang nina Makisig Morales at Nicole Joson ang kanilang ikalawang wedding anniversary

- Parehas na nagbahagi ng kanilang mensahe ang mag-asawa para sa isa't-isa sa kanilang social media account

- Marami naman ang kinilig sa mga ibinahagi nilang litrato at video na kuha sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib

- Matatandaanng kinasal sila noong 2019 at September 2018 naman ang napabalitang engagement ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagdiwang ng mag-asawang Makisig Morales at Nicole Joson ang kanilang 2nd year wedding anniversary. Sa kani-kanilang Instagram channel ay may pabati ang dalawa sa isa't-isa.

Muli din nilang binalikan ang araw ng kanilang kasal sa pamamagitan ng pagbahagi ng litrato at video na kuha sa kasal nila.

Makisig Morales at Nicole Joson, pinagdiwang ang kanilang 2nd wedding anniversary

Photo from Nicole Joson(@_nicolejoson_)
Source: Instagram

Sa video na ibinahag ni Nicole, tila naiiyak pa silang dalawa sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Happy 2nd Anniversary Mahal! Malayo pa ang lalakbayin nating dalawa. Pero ang mahalaga, ikaw yung kasama ko sa pag lalakbay. New Chapter and New Memories with you. I love you. @_nicolejoson
Nikka Garcia, buntis na sa pang-apat na anak nila ni Patrick Garcia

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga para sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi man ibinunyag ang eksaktong petsa ng kanilang pagpapakasal, matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanilang engagement noong September 2018.

Huling napanood si Makisig sa teleseryeng Bagani kung saan nakasama niya sina Matteo Guidicelli, Liza Soberano, Enrique Gil at Zaijian Jaranilla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Makisig Morales ay unang napanood bilang bahagi ng TV reality-show Little Big Star. Pinakatumatak ang kanyang lead role sa International Emmy-nominated fantaserye na Super Inggo kung saan nakasama niya ang itinuturing na isa sa pinakasikat na aktres sa kanyang henerasyon, si Kathryn Bernardo.

Samantala, matatandaang ibinahagi ni Makisig ang tungkol sa pagkakarron ng bagong karelasyon sa pamamagitan ng social media.

Solenn Heussaff, masayang-masaya sa pagbabago sa kanyang bahay

Kasunod nito ay marami ang nagulantang sa naging reaksiyon ng nagpakilalang kapatid ng karelasyon ni Makisig bago si Nicole.

Lumabas naman ang balita tungkol sa pagpapakasal ng aktor sa Fil-Am beauty queen na si Nicole noong Junyo ng 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel