Karen Davila probes Christine Dacera’s friends about accusation against them

Karen Davila probes Christine Dacera’s friends about accusation against them

- Kinausap ni Karen Davila ang mga kaibigan ng namayapang flight attendant na si Christine Angelica Dacera

- Ikwinento nilang muli na 10 a.m. ay buhay pa raw si Dacera at bandang 12 noon na nila napansing wala na itong pulso at hindi na humihinga

- Tinanong din sila ni Davila kung bakit sila siguradong hindi ginahasa si Dacera gayong pumupunta sa kabilang hotel room si Dacera

- Sinagot nila na mayroon pa raw malay si Dacera noong bumalik mula sa room 2207 at wala itong sinabi na may nang-gahasa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang mga kaibigan ng namayapang flight attendant na si Christine Angelica Dacera ay nagbigay ng interview kay Karen Davila sa ANC program nito na “Headstart.”

Karen Davila probes Christine Dacera’s friends about accusation against them

Photo: Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sa kanilang interview, ikwinento nilang muli na 10 a.m. ay buhay pa raw si Dacera at bandang 12 noon na nila napansing wala na itong pulso at hindi na humihinga.

Close friend ni Dacera, nalulungkot sa nababasang negatibong komento sa kaibigan

Sinigurado rin nila na nag-party lamang sila nila Dacera at walang pang-gagahasa na nangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, tinanong sila ni Davila kung bakit sila siguradong hindi ginahasa si Dacera gayong nasa room 2209 sila at pumupunta paminsan-minsan si Dacera sa room 2207.

“If I were in court, I’d ask you, how would you know (she was not raped) when there were also people in the other room? You were not there the whole time,” tinanong ni Davila.

Ayon naman sa isa sa mga kaibigan ni Dacera, sigurado silang hindi ginahasa ang kanilang kaibigan dahil wala itong binanggit na rape sa kanila. Mayroon pa raw malay si Dacera noong bumalik mula sa room 2207 pero wala itong sinabi na may nang-gahasa sa kanya. Sigurado sila na ikukwento ito sa kanila ni Dacera kung may nang-gahasa nga sa kanya.

Newbie actor, umalma sa akusasyong ginahasa niya si Christine Dacera
“Because when he transferred her over our room, we took care of her. She just kept on vomiting,
“If she was raped, she would have let us know what happened to her. She still had consciousness when she went to our room,” sinagot ng isa sa mga kaibigan ni Dacera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Dacera family, emosyonal sa pagdating ng labi ni Christine sa General Santos

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel