MMDA Chairman Danilo Lim pumanaw pagkatapos mag-positibo sa COVID-19
- Pumanaw si MMDA Chairman Danilo Lim sa edad na 65 nitong ika-6 ng Enero
- Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa MMDA at kaanak ni Lim
- Noong ika-29 ng Disyembre ay kinumpirma ng MMDA chairman na nag-positibo siya sa COVID-19
- Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay nagpakita si Lim ng pagkapropesyunal, kagalingan, at integridad sa pagsisilbi sa sa administrasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si MMDA Chairman Danilo Lim ay binawian ng buhay sa edad na 65, ilang araw matapos siyang magpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pumanaw na nga ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong umaga ng Miyerkules, ika-6 ng Enero.
Ayon kay Roque ay naglingkod sa bayan si Lim na may propesyunalismo, kagalingan, at integridad.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang palasyo sa tanggapan ng MMDA at sa mga naulilang kaanak ng chairman.
Matatandaan na inanunsyo mismo ni Lim sa social media noong ika-29 ng Disyembre na nagpositibo siya sa COVID-19. Ito ay sa kabila ng kanyang pag-iingat at pagsunod sa mga health protocols.
Ayon kay Lim, hindi malala ang mga sintomas na kanyang naranasan at nagpatuloy siya sa pag-isolate sa kanyang sarili.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lim bilang MMDA Chairman.
Noong kasagsagan ng pamumuno ni dating Pangulong Benigno Aquino III naman ay nagsilbi siya bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs. Ngunit noong 2013 ay nag-resign siya dahil sa isyu ng katiwalian.
Tumakbo rin si Lim sa pagka-senador noong 2010 ngunit hindi ito nahalal.
Nakulong si Lim noong 2006 dahil sa pagkakasangkot niya sa pagtatangkang patalsikin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Naging parte siya ng Manila Peninsula seige noong 2007, kasama si Antonio Trillanes IV. Pagkatapos ng apat na taon ay nakalaya siya dahil sa natanggap na amnestiya.
Si Lim ay isa rin sa mga itinuturong utak ng kudeta laban kay dating Pangulong Corazon Aquino noong 1989.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si MMDA Chairman Danilo Lim ay nagmula sa Nueva Vizcaya. Nakapag-aral siya sa University of the Philippines (UP) ng isang taon bago niya nakuha ang pinakamataas na grado para sa entrance exams ng Philippine Military Academy (PMA). Naging parte siya ng Makatarungan Class 1978. Nanguna rin siya sa entrance exams para sa United States Military Academy (USMA).
Ang pagpanaw ni Lim ay isang paalala na hindi pa tapos ang sigalot na dala ng pandemya. Sa Pilipinas, inaasahan na magsisimula ang pambabakuna sa Marso nitong taon. Nagsimula na ring maglaan ng pondo ang mga siyudad at bayan para sa mga bakuna, at kasama na rito ang Lungsod ng Makati na layuning mabakunahan lahat ng mamamayan nito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh