Frankie Pangilinan cries foul over netizens who put the blame on Christine Dacera

Frankie Pangilinan cries foul over netizens who put the blame on Christine Dacera

- Si Frankie Pangilinan ay apektado din sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera

- Pinuna ni Pangilinan ang ilang netizens na sinisisi si Dacera dahil nakipag-party daw ito sa mga lalake

- Sinabi rin niya na hindi tama na sisihin ang biktima kahit uminom pa ito o kahit ano pa mang suot nito

- Dagdag pa niya, dapat daw na turuan ang mga kalalakihan na rumespeto sa mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Frankie Pangilinan ay apektado ng pagpanaw ni Christine Angelica Dacera, ang 23-anyos na flight attendant ng PAL na natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City.

Frankie Pangilinan cries foul over netizens who put the blame on Christine Dacera
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Bukod sa pag-hingi ng hustisya para kay Dacera, pinuna rin ni Pangilinan ang pag-sisi ng ilang netizens kay Dacera. Mayroon kasing ilang netizens na nagkomentong kaya raw ginahasa at namatay si Dacera ay dahil nakipag-party ito sa mga lalake at diumano’y naglasing.

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Ayon kay Pangilinan, hindi tama na sisihin ang biktima kahit uminom pa ito o kahit ano pa mang suot nito dahil ang gumawa ng krimen ang tanging may sala.

Dapat din daw na turuan ang mga kalalakihan na rumespeto sa mga babae ano man ang suot nila at kahit naka-inom na sila. Dahil sa mga komentong ito ni Pangilinan, maraming netizens ang sumang-ayon sa kanya at pinuri ang kanyang pahayag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"christine dacera shouldn’t have needed protection. enough of that dialogue. she was a woman who deserved basic, human decency...
"we would prefer your respect over your protection. we’re not pretty things that need constant guarding. we’re human beings...
"i get it — girls have so much more to fear in intoxication. but it’s so damn sad that we have to be ‘protected’, because that implies this kind of danger is inevitable, when it’s not. teach your fkin kids not to rape people, let us deal with the hangovers...

Read also

Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA

"the hashtag rly shouldn’t be ‘protect drunk girls’ man, it should be respect tf out of any human being because drunk girls shouldn’t be needing any more protection than drunk guys. that’s exactly what’s wrong here, though — a few drinks and we’re suddenly no longer people ig...
"it is never the clothes, never the drinks — never the victim, period. it is always, ALWAYS, the rapist’s fault. how many more times do we have to hammer this home for it to stick in your thick skulls, please??!??!" sinabi ni Pangilinan sa Twitter.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Read also

Russu Laurente at Crismar Menchavez, umaming naki-#YesToAbsCbnShutdown

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel