Philippine Airlines, nagluluksa sa pag-panaw ni Dacera; nakiramay sa pamilya nito
- Ang Philippine Airlines ay nagsalita na ukol sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera
- Sinabi ng PAL spokesperson na isang magaling at prupesyunal na flight attendant si Dacera
- Mami-miss daw ng Philippine Airlines family ang pumanaw nilang flight attendant
- Tutulungan din daw ng PAL ang naiwang pamilya ni Dacera, ayon din sa spokesperson ng PAL
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naglabas na ng statement ang Philippine Airlines ukol sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera, ang 23-anyos na flight attendant ng PAL na natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City.
Ayon sa PAL spokesperson na si Cielo Villaluna, isang magaling at prupesyunal na flight attendant si Dacera. Talagang mami-miss daw ng Philippine Airlines family ang pumanaw nilang flight attendant.
Dagdag pa ni Villaluna, tutulungan ng PAL ang naiwang pamilya ni Dacera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
“She was an upstanding and professional PAL Express crew member who will be sorely missed by her colleagues and friends.
“We are extending full support to the flight attendant’s family at this most difficult time. Our desire is for the truth to come out in the interest of justice,” sinabi ni Villaluna.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.
Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.
Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.
Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.
Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh