Senate President Tito Sotto, isinusulong ang renewal of franchise ng ABS-CBN
- Nag-file na ng bill si Senator Vicente Sotto kaugnay sa pag-renew ng franchise ng ABS-CBN
- Sa kanyang isinumiteng bill, naglalayon itong mabigyan umano ng 25 taong license to operate ang television and radio broadcasting stations na nasa ilalim ng ABS-CBN
- Ilan sa mga nabanggit niya sa explanatory note na kalakip ng naturang bill ay ang malawak na pamamahayag ng naturang istasyon na maging ang mga kababayan nating OFW ay nahahatiran ng mga kaganapan sa bansa dahil sa The Filipino Channel
- Mayo 5 noong nakaraang taon nang huminto sa operasyon ang ABS-CBN bilang pagsunod sa closure order ng National Telecommunications Commision
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pormal na nag-file ng bill si Senator Vicente 'Tito' Sotto III kaugnay sa pagbibigay umano renewal of franchise ng ABS-CBN.
Ibinahagi niya sa kanyang social media post ang kopya ng Senate Bill No. 1967 na naglalayong ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa susunod na 25 na taon.
Kalakip ng mungkahing ito ang pagbibigay lisensya sa television at radio broadcasting stations na nasasakupan ng malaking network ng bansa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"ABS-CBN's wide reach to Filipinos, alongside with the undeniable advantages of broadcast media relative to mass communication, definitely call for the immediate renewal of the network's franchise," ang isa sa mahahalagang pahayag na napapaloob sa naturang bill.
Ayon pa sa Philippine Star, isa sa mga ipinahayag na dahilan ni Sotto ay ang tiwala ng mga Pilipino sa istasyon, saan mang panig sila ng bansa o maging sa iba't ibang bahagi ng mundo dahil sa The Filipino Channel.
Base sa ulat ng ABS-CBN, nabanggit din umano ng Senate President na kahit nasa A2Z Channel, cable TV at online platforms ang mga palabas ng Kapamilya Network at patuloy pa rin ang paghataw ng ratings ng mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang Mayo 5 nitong nagdaang taong 2020 nang magsara ang ABS-CBN alinsunod sa closure order ng The National Telecommunications Commission.
Dahil dito, libo-libong empleyado ng malaking network sa iba't ibang bahagi ng bansa ang nawalan umano ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh