Catriona Gray, di napigilang maging emosyonal sa birthday message ni Sam Milby

Catriona Gray, di napigilang maging emosyonal sa birthday message ni Sam Milby

- Hindi napigilang kiligin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagbati ng kanyang boyfriend na si Sam Milby

- Sa kanyang birthday presentation ay isang taped video greeting ang ibinahagi ni Sam Milby para sa kaarawan ng beauty queen

- Nabuking din na "Koala" ang term of endearment sa kanya ng aktor dahil sa nasabing video

- Sa January 6 pa ang eksaktong araw ng kapanganakan ni Catriona ngunit ngayong Linggo ay ipinalabas na ang kanyang birthday presentation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago ni Catriona Gray ang kanyang kilig nang makita at mapakinggan ang nakakakilig na pagbati sa kanya ng kanyang boyfriend na si Sam Milby.

Nitong Linggo ay ipinagdiwang sa Sunday Noontime Live ng TV5 ang kanyang kaarawan. Sa nasabing video greeting ay tinawag ni Sam si Catriona na Koala dahil isinilang at lumaki ang dating beauty queen sa Australia.

Read also

Scarlet Snow Belo, kinagiliwan dahil sa naisip na pangalan sa kanilang adopted rhino

Catriona Gray, di napigilang maging emosyonal sa birthday message ni Sam Milby
Catriona Gray
Source: Getty Images

“You’re such a big blessing to a lot of other people but you’re also such a big blessing in my life, so thank you for who you are and I really hope that God grants all the desires of your heart and be His servant. I love you, Koala. Happy birthday,” ani Sam habang tila hindi mapigilan ni Catriona ang kiligin.

Maging ang mga kasamahan ni Catriona si Maja Salvador ay hindi naitago ang kilig para sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe ngayong taon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Andi Eigenmann, ibinahagi ang litrato ng kanyang siyam na buwang baby bump

Matatandaang naging laman ng balita ang dalawa matapos magbahagi ng mga nakakaintrigang Instagram Stories ang ex-boyfriend ni Cat na si Clint Bondad. Dahil sa mga misteryoso nitong mga post, marami sa mga netizens ang nagbigay kahulugan dito at inakusan ang beauty queen na niloko umano nito si Clint.

Kaya naman, ipinagtanggol si Catriona ng kanyang kasintahang si Sam Milby sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mensahe sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel