Andi Eigenmann, ibinahagi ang litrato ng kanyang siyam na buwang baby bump

Andi Eigenmann, ibinahagi ang litrato ng kanyang siyam na buwang baby bump

- Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kanyang litrato kung saan ibinida niya ang kanyang siyam na buwang pagbubuntis

- Inihayag niya ang kaibahan ng kayang pagbubuntis ngayon kumpara sa mga nauna niyang pagbubuntis

- Hindi man umano kagaya noon na palaging may pictorial at update kada buwan, siniguro niyang excited pa rin sila na masilayan ang kanilang baby boy

- Kasalukuyang dinadala ni Andi ang pangalawang anak nila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ni Andi Eigenmann ang kanyang siyam na buwang baby bump. Sa pagtatapos ng taon, na-realize umano niyang malapit na ring matapos ang kanyang pagbubuntis.

Sa kabila ng kaibahan ng kanyang karanasan sa pagbubuntis noong una at pangalawang beses, pinanabikan uman nilang masilayan ang kanilang happy island boy.

Hindi kagaya sa mga naunang pagbubuntis, walang maternity shoots at maagang pagsho-shopping sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis.

Matteo Guidicelli, ibinahaging goal niya maging best husband ngayong 2021
Andi Eigenmann, ibinahagi ang litrato ng kanyang siyam na buwang baby bump

Photo from Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Bumuhos naman ang pagbati kay Andi mula sa mga netizens:

Omg I think he wants to come out naaa!!! So low already, Ands!!! Exciting happy new year guys!
Grabe anlaki na ng tiyan niya. Malapit na talaga manganak. Have a normal and safe delivery Andie girl. God bless you. Happy New Year Island family.
Wow! Looks like baby #3 will be out anytime soon. Happy New Year you guys!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ibinahagi nina Andi at Philmar ang tungkol sa kanilang engagement kamakailan. Sa kanilang YouTube channel ay ibinahagi nila kung paano nangyari ang proposal ni Philmar. Kinabiliban ng netizen ang engagement dahil sa bukod sa simple, marami ang nakaramdam ng pagiging totoo at sincere nilang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Leng Altura, pinakita ang kanyang new look matapos magpaayos ng ilong

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jacklyn Jose at Mark Gil.

Kamakailan ay ibinahagi ni Andi ang unang family picture nila simula nang tanggapin niya ang marriage proposal ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel