Kitchie Nadal, ipinasilip ang bago nilang apartment sa Spain

Kitchie Nadal, ipinasilip ang bago nilang apartment sa Spain

- Ipinakita ng OPM singer na si Kitchie Nadal ang kanilang bagong apartment sa Madrid, Spain

- Sinamantala niya ang pagkakataong nasa France ang kanyang mister upang maipakita sa kanyang mga fans ang kanilang pamumuhay sa Espanya

- Nagbahagi rin siya ng ilan sa kanyang pinagkakaabalahan sa kanilang bahay at naghandog din siya ng pamaskong awitin

- 2015 nang ikasal si Kitchie at makalipas ang dalawang taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na lalake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ng Pinay musician na si Kitchie Nadal ang kanilang bagong apartment sa Madrid, Spain.

Nalaman ng KAMI na nasa France ang mister ni Kitchie dahil sa trabaho kaya naman sinamantala na niya ang pagkakaroon ng 'house tour' na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Malinis at maaliwalas ang kanilang simpleng tahanan na mayroon napakagandang mga tanawin.

Andie Eigenmann, sinurpresa ang pamilya sa DIY gender reveal ng kanilang baby no. 3
Kitchie Nadal, ipinasilip ang bago nilang apartment sa Spain

Photo from @kitchienadal
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinakita rin ni Kitchie ang kanyang work station kung saan hindi pa rin mawawala ang ilan sa kanyang musical instruments.

At dahil sa pandemya, madalas na naka-work from home din ang kanyang mister na may sarili ring pwesto sa kanilang tahanan.

Ipinakita rin ni Kitchie ang kanilang kusina at kanyang nabanggit na marami-rami na rin siyang mga lutong Espanya na natutunan tulad ng Carrillada, Tortilla de Patatas at Croquetas.

Naikwento rin niyang natuto siyang magmaneho ng kotse nang magkaroon ng pamilya sa Spain. Isa raw ito sa mga naiturong "survival hacks" ng kanyang mister.

Bago magtapos ang kanyang video, nagawa pang maghandog ni Kitchie ng pamaskong awitin na "O Holy night" kasama ang isa ring Filipina.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Si Kitchie Nadal ay isa sa mga kilalang singer-songwriter sa Pilipinas. Pinasikat niya ang mga kantang "Wag Na Wag Mong Sasabihin", "Bulong" at "Same Ground". Bago magkaroon ng solo career, naging bokalista rin siya ng bandang Mojofly.

Bukod sa kanyang YouTube channel, madalas din niyang maibahagi sa kanyang mga social media platforms ang mga kaganapan sa kanyang buhay bilang isang ina, asawa at musikera.

Nito lamang Abril, nagkaroon ng online show si Kitchie kasama rin si Barbie Almalbis at Aia De Leon. Isa itong fund-raising show lalo na at nang mga panahong iyon ay kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel