Mga residenteng umakyat sa bubong ng bahay sa kasagsagan ng baha, viral
- Viral sa social media ang litrato ng apat na katao na nasa bubong na ng kanilang bahay sa kasagsagan ng baha
- Bukod sa marami ang natakot para sa kaligtasan nila, marmi ang nakapansin an nakuha pa ng mga ito na ngumiti
- Ilang lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly ang nakaranas ng pagbaha kasabay ng malakas na buhos ng ulan at hangin
- Natabunan din ng lahar ang ilang kabahayan sa Albay ayon sa mga ulat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga residente sa mga lugar na labis na sinalanta ng bagyong Rolly nitong Linggo. Kasunod ng malakas na hangin ay nagkaroon ng flash floods sa ibang lugar.
Tumaas ang level ng tubig hanggang sa wala nang nagawa ang ilang residente kundi umakyat sa mga bubong ng kanilang bahay.
Kinaaliwan ng mga netizens ang isang picture na kuha ni Kuha ni AJ Miraflor na ibinahagi ng ABS-CBN News.
Tila hindi man lang nabahala ang mga residenteng nakuhanan habang nasa bubong. Nakangiti pa ang mga ito na tila walang iniindang problema.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizens:
Look at them, they dont worry as the know God is in control! Smiles on their faces only shows that earthly thing doesnt matter!!! Faith, love and happines that's all we need! Have mercy oh Lord! Bagyo ka lng may Diyos kami!
You know what's the good side of being a Filipino. It's when WE Can still manage to smile despite of the Catastrophe we are experiencing.
Naka smile parin kahit baha at nasa bubong na, ano mang kalamidad you can never put a Filipino down.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Sinasabing ang pagiging matatag at masayahin ay ilan sa mga katangian ng mga Pinoy. Kadalasan, kahit pa gaano kahirap ang buhay, nakakayang maging positibo ang pananaw ng karamihan.
Matatandaang nakatakdang pumasok sa Philippine Are of Responsibility ang tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa planeta ngayong 2020.
Linggo ng madaling araw nang ianunsiyo ng PAGASA na tuluyan nang naging super typhoon ang Bagyong Rolly. Kasunod nito ay ang pagtaas sa storm signal number 5 sa lalawigan ng Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay . Ramdam na ramdam ang hagupit ng bagyong Rolly sa Bicol Region Linggo ng umaga na naipakita din ng mga netizens sa social media.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh