Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

- Binisita ni Donita Nose sa Tekla sa kanyang condo unit na iniwan ng kanyang dating live-in partner at mga kamag-anak nito

- Makikita kung gaano karumi ang unit na iniwan ng mga kasama noon ni Tekla

- Kinumusta na rin ni Donita ang kanyang 'katandem' na kahit na paano'y nakakangiti na sa ngayon

- Nakukuha mang magbiruan pa rin ng dalawang komedyante ngunit mababakas pa rin ang sakit na dinamdam ni Tekla dahil sa pasabog na ginawa ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya

Photo from Donekla in Tandem Facebook page
Source: Facebook

Sinadya ni Donita Nose na bisitahin ang kanyang katandem na si Super Tekla na pinupukol ngayon ng mga isyu mula sa kanyang live-in partner.

Nalaman ng KAMI na sa latest vlog ng dalawa sa kanilang YouTube channel na Donekla in Tandem, ipinakita ni Donita ang nakaririmarim na kalagayan ng condo ni Tekla.

Vice Ganda, naitulak si Kim Chiu matapos siyang takutin nito

Marumi, mabaho, makalat, puno ng insekto ang unit na iniwan na lamang ng ganoon ng mga dating tumira roon na ngayo'y nag-alsa balutan na.

Bagaman at nakangingiti na kahit na paano, mababakas pa rin kay Tekla ang sakit na pinagdaraanan ngayon at 'di pa rin natutuldukan ang isung kinasasangkutanmula nang dumulog ang kanyang live-in partner na si Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Subalit makailang beses din naman niyang nabanggit sa vlog ang salitang 'move on' na sinisikap niyang gawin sa gitna ng mga pangyaayri.

Aminado rin siyang "devastated" siya mula nang lumabas ang mga pasabog laban sa kanya na halos hindi siya makalabas ng kanyang tirahan.

Subalit sa tulong na rin ni Donita, unti-unti nang nakakabangon si Super Tekla.

Si Donita na rin ang tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng condo unit ni Tekla na marami rin daw siyang babayaran dito dahil sa fully-furnished niya itong nakuha at sinasabing naibenta ng kanyang ive-in partner ang ilan sa mga gamit, babayaran daw niya ito.

Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabulabog ang publiko nang magreklamo sa programa ni Raffy Tulfo ang live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag na ginagawan umano siya ng kababuyan ng komedyante.

Bukod kina Donita Nose at Ogie Diaz na agad na dinipensahan si Tekla, naglabas din ng pahayag ang unang kinasama ni Tekla sa loob ng walong taon. Pinabulaanan nito ang gma sinabi ni Bana-ag na hindi naman daw niyang dinanas noong sila pa ni tekla ang nagsasama.

Maging ang kapatid ni Tekla ay sinuportahan din siya at hindi naniniwalang magagawa ng kapatida ng mga ibinabatong akusasyon sa kanya.

Si Tekla ay isa sa mga kilalang komedyante ng GMA. Nakilala siya sa The Boobay and Tekla Show at ngayon, may sarili na silang YouTube channel ng kapwa komedyante na si Donita Nose.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel