Pinay frontliner sa UK, pinarangalan at kinilala ni Queen Elizabeth II
- Isang Pinay nurse sa United Kingdom ang nabigyang parangal dahil sa pagiging isang magiting na frontliner doon kontra COVID-19
- Kabilang siya sa 414 na mga nabigyan ng British Empire Medal ni Queen Elizabeth II na itinaon sa kaarawan nito
- Hindi raw makapaniwala ang nurse sa karangalang natamo at sinabing ipadadala niya ang naturang medalya sa pamilya niya sa Pilipinas
- Inialay din niya ang karangalan sa mga kasamahan niya sa trabaho na siyang nagbigay ng inspirasyon at suporta sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakaka-proud ang Pinay nurse United Kingdom na si Minnie Klepacz na nakatanggap ng 'British Empire Medal' mula mismo kay Queen Elizabeth II.
Nalaman ng KAMI na isa si Minnie sa 414 na nabigyang pagkilala at parangal ni Queen Elizabeth sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Ayon sa Philippine Star, isang matron for Opthalmology sa Royal Bournemouth Hospital si Minnie at isa rin sa mga medical frontliners kontra COVID-19.
Siya rin ang namumuno sa Black Asian Minority Ethnic Network (BAME) sa kanilang ospital.
Bukod sa di matatawarang serbisyo niya sa ospital, nagagawa pa niyang tumulong sa iba pa nating mga kababayang nasa UK na labis na naghihikahos dahil sa krisis na dala ng pandemya. Ilan sa mga ito ay ang mga kababayan nating naka-recover sa COVID-19.
Sa ulat ng Manila Bulletin, hindi kailanman naisip ni Minnie na mangyayari ang pagpaparangal sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil dito, “privileged and honored” daw ang kanyang nararamdaman dahil sa karangalang ito na inaalay niya sa kanyang mga kasamahan.
“When I saw an email from the Cabinet Office, I was so worried and thought I’d done something wrong. I plucked up the courage to read it again and responded asking if it was a spam email because I just couldn’t believe it. They told me it was true and then rang me to reassure me, I couldn’t believe it,” pahayag ni Minnie sa panayam sa kanya ng University Hospitals Dorset NHS Foundation Trust.
Ayon sa The Filipino Times, taong 2001 pa nang siya ay mamalagi sa England at sa halos dalawang dekada ng pamamalagi rito, wala siyang ibang hangad kundi ang makatulong lalo na sa mga kapwa Pilipino na naroon.
“I’m going to send my medal home to the Philippines. Growing up, my mum always used to display all our awards prominently in the lounge as she was so proud of us all. As I can’t visit my family right now, it’s only right they have my medal,” dagdag pa ni Minnie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang British Empire Medal (BEM) ay parangal na iginagawad ni Queen Elizabeth II bilang pagkilala sa meritorious civil o military service at ngayong taon, ang mga buwis-buhay na mga medical frontliners laban sa COVID-19.
Tunay na kahanga-hanga ang mga sakripisyo ng mga medical frontliners sa hindi pa matapos-tapos na laban kontra COVID-19.
Nararapat din nating ipagmalaki na maging sa iba't-ibang bahagi ng mundo, nakikilala ang mga Pilipino dahil sa kabutihang ipinakikita nila sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh