69-anyos na ina, nakikitira sa jeep kasama ang anak na may malubhang sakit

69-anyos na ina, nakikitira sa jeep kasama ang anak na may malubhang sakit

- Umantig sa netizens ang kwento ng mag-ina na nakikitira sa loob ng isang jeep habang tigil pasada pa ang mga ito

- 69-anyos na si Nanay Julieta at kailangan niyang alagaan ang anak niyang may malubhang sakit

- Hindi na nakakalakad ang anak niya kaya naman siya na rin ang nangangalakal para kumita sila

- Nangangamba naman si Nanay Julieta kung saan sila mapupunta kapag balik-pasada na muli ang mga jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mag-ina ang nakikitira ngayon sa loob ng jeep dahil wala na umano silang matuluyan.

Nalaman ng KAMI na kahit may edad na, patuloy sa paghahanapbuhay ang nanay para sa kanila ng anak niya.

69 anyos na ina, nakikitira sa jeep habang inaalagaan ang anak na may malubhang sakit
Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Sa Facebook post ng GMA Public Affairs, tila grabeng hirap ang pinagdadaanan ni Nanay Julieta ngayon at maging anak niyang si Regan.

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Bukod sa paninirahan sa jeep, may tuberculosis din si Regan at hindi na ito makatayo kaya inaalagaan din siya ni Nanay Julieta. Kaya naman, si nanay ang nangangalakal para may makain silang mag-ina.

Nangangamba naman si Nanay Julieta kung saan sila mapupuntang mag-ina kapag muli nang bumalik-pasada ang mga jeep.

Samantala, labis na umantig naman sa netizens ang kwento ni Nanay Julieta at ni Regan. Narito nga ang ilang mga komento sa Facebook:

“Sana may tumulong magrefer sa kanila sa barangay health center. Libre po ang gamot sa TB.”
“Sana pauwiin nlang cla mag ina sa probinsya nla tulongan nlang cla para maka uwi kung saan clang probinsya”
“Sana cla Yong matulungan, tlga pray lng nanay....”
“May pagasa pa sigurong.gumaling yan sana may tumulong sa kanila”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Ngayong may pandemya sa Pilipinas, tila maraming mga Pilipino ng ang nawalan ng trabaho at maging tirahan dahil sa krisis.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang ina ang humingi ng tulong sa gobyerno matapos baklasin ng landlord ng inuupahan niya ang bubong nila.

Samantala, isang ama naman ang limang taon nang naninirahan sa pedicab kasama ang anak niya at mga asong napulot nila.

Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)