Isa pang Pinoy vlogger, pumanaw nang masangkot sa isang aksidente
-Isang pang Pilipinong vlogger ang pumanaw kamakailan matapos masangkot sa isang car accident
-Kinilala itong si Gelson Bagatua, isang content creator mula sa Dipolog City
-Dumagsa ang pakikiramay mula sa mga followers, kaibigan at nakakakilala sa mga naulila ng vlogger
-Kamakailan lang ay binigla ang publiko ng maagang pagkamatay ng dalawang kilalang vlogger sa bansa na sina Emman Nimedez at Lloyd Cafe Cadena
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Isa pang Pilipinong vlogger ang pumanaw nito lamang ika-27 ng Setyembre matapos masangkot sa isang car accident.
Kinilala itong si Gelson Bagatua, isang content creator mula sa Dipolog City.
Batay sa Facebook post ng Heads Up Dipolog, nangyari ang aksidente sa Dumaguete City bandang 3:00 ng umaga kung saan binawian ng buhay si Bagatua.
"Gelson Bagatua a vlogger in Dumaguete City had a car accident around 3am of September 27, 2020 at Bayawan Negros Oriental. HEADS UP DIPOLOG was suggested by him as sister page of #headsupnegros
Family and friends always remembered him as creative, a very happy person, respectful kaayo, flexible and malambing...
May He Rest in Peace... Kuya Gelson you are always in our Heart," ayon sa post ng FB page.
Dumagsa ang pakikiramay mula sa mga followers, kaibigan at nakakakilala sa mga naulila ng vlogger.
Nakilala si Bagatua sa paggawa ng mga nakakatawang content at mayroong mahigit 11,000 subscribers sa YouTube at mahigit 41,000 followers sa Facebook.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan lang ay nabigla rin ang publiko sa maagang pagpanaw ng dalawang kilalang vloggers sa bansa na sina Emman Nimedez at Lloyd Cafe Cadena.
Noon lang ika-16 ng Agosto nang tuluyan nang mamaalam si Emman matapos ang pakikipaglaban sa sakit na acute myeloid leukemia, isang uri ng blood cancer.
"Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City.
"Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support," ayon sa post sa official FB page nito.
Samantala, labis din ang pagluluksa ng marami sa pagpanaw ni Lloyd noon lang ika-4 ng Setyembre dahil sa cardiac arrest.
Ayon sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Lloyd, pumanaw ito habang natutulog sa ospital. Bago nito ay nakumpirma rin na dinapuan ito ng COVID-19.
"Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh