Magkasintahan sa bilangguan, lalong tumatag ang pagsasama nang parehong makalaya
- Sa bilangguan nagkakilala ang magkasintahang sina Nicky at Jean na ngayon ay pareho nang nakalaya
- Apat na taon na silang magkasintahan sa loob ng piitan at kahit na sila ay nakalaya na, mas lalong naging matatag ang kanilang pagsasama
- Tanggap din ni Nicky na may tatlong anak na si Jean at wala naman itong problema sa kanilang relasyon
- Unti-unti na rin silang bumubuo ng pangarap at tuluyan nang makapagbagong-buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagulat ang mga host ng Eat Bulaga sa segment nilang 'Bawal Judgmental' nang malaman nila na ang dalawa nilang panauhin ay magkasintahan pala.
Nalaman ng KAMI na mga nakalayang bilanggo ang mga contestant ng nasabing segment ng Eat Bulaga.
Dalawa rito ang magkasintahang sina Nicky at Jean na nagkakilala sa kulungan.
Pareho raw silang trustee sa loob at doon sila nagkamabutihan. Apat na taon na raw ang kanilang relasyon.
Kahit naunang lumaya si Jean nitong Enero, linggo-linggo niyang dinadalaw ang kasintahan na di nagtagal ay nakalaya na rin.
Mayroong tatlong anak si Jean ngunit tanggap naman daw ito ni Nicky.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nang tanungin kung ano ang nagustuhan ni Jean kay Nicky, palabiro raw ito at lagi raw umano siya nitong napapatawa.
Handa ang dalawa na tuluyan nang magbagong-buhay lalo na para sa kanilang pamilya.
Kasalukuyang namamasada ng tricycle si Nicky at dahil sa pandemya ay hindi pa makahanap ng trabaho si Jean kaya naman inaalagaan muna niya at sinusulit ang oras kasama ng kanyang mga anak.
Sa ngayon, unti-unti na rin silang bumubuo ng mga plano at pangarap sa buhay upang tuloy-tuloy na ang pagbabago at di na muling bumalik pa sa dati nilang pagkakamali.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Eat Bulaga:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sadyang nakapagbibigay din ng inspirasyon ang mga kwento ng buhay na natutuklasan sa segment ng Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental'.
Katunayan, kamakailan lamang ay nagkita na ang ina at anak na may special needs na nawala ng mahigit isang taon dahil sa pagsali ng ina 'Bawal Judgmental.'
Dahil marami ang nakapanood ng programa, mas napadali ang paghahanap ng ina sa anak na matagal na niyang hinahanap.
Isang katutubong Lumad din ang natulungan ng Eat Bulaga at ginawa nila itong iskolar matapos na mailahad nitong bukod sa pagiging nurse ay nakatapos na rin siya ng medisina.
Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa bansa. Kasalukuyan na silang nasa ika-41 na taon sa telebisyon at patuloy pa rin sila sa paghahatid ng saya at inspirasyon sa bawat pamilya Pilipino.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh