Babaeng nag-shopping gamit ang ninakaw umano na credit card, sapul sa CCTV

Babaeng nag-shopping gamit ang ninakaw umano na credit card, sapul sa CCTV

- Sapul sa CCTV ang isang babaeng ginamit umano pang-shopping ang ninakaw niyang credit card

- Reklamo ng may-ari ng credit card, umabot na raw sa higit P71,000 ang halaga na pinang-shopping ng suspek

- Nasa limang credit card umano ang nakuha ng babae kaya nahirapan din ang may-ari na ipa-block agad ang lahat ng ito

- Magdedesisyon pa ang mga bangko kung paniniwalaan nila ang kwento ng biktima o siya pa rin ang magbabayad ng mga nagastos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae ang inakusahang nagnakaw umano ng wallet na may lamang limang mga credit cards.

Nalaman ng KAMI na nireklamo ng may-ari umano ng mga credit card ang suspek dahil ginamit pa pang-shopping ito.

Babaeng nag-shopping gamit ang ninakaw umano na credit card, sapul sa CCTV
Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng Unang Balita sa YouTube, umabot sa higit P71,000 ang nagastos ng suspek gamit ang credit card na ninakaw umano niya.

Read also

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Ginamit ng babae ang credit card para mag-grocery, bumili ng damit, mikropono, at gym equipment. Kita nga sa mga CCTV footage na pirma lang nang pirma ang babae sa tuwing may bibilhin siya.

Humingi naman ng tulong ang mag-asawang biktima sa mga bangko at pulisya. Subalit, nakagastos na ng P71,796 ang suspek bago pa tuluyang napa-block ang mga credit card dahil hindi naging madali ang proseso nito.

Samantala, aabot naman sa 60 hanggang 100 na araw bago makakapaglabas ng desisyon ang mga bangko kung tatanggapin nila ang sinabi ng biktima o siya pa rin ang tuluyang magbabayad ng mga nagastos.

Panoorin ang buong ulat dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa gitna ng pandemya, tila hindi pa rin maiiwasan na may mga taong kumakapit sa patalim upang may mapakain sa pamilya nila.

Read also

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang 53 anyos na pedicab driver ang inaresto matapos niyang mahuling nagnakaw umano ng dalawang de lata.

Samantala, isang netizen din ang nagbahagi ng kanyang karanasan matapos umanong gamitin ng sariling kamag-anak niya ang credit card niya at hindi siya binayaran ng mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)